A list of my Works-in-Progress and books on queue.
Sentinels Series : The Herreras
- Joseph
- John
- Donnie
- Matt
- Jack
- Ian
Possible Sentinels:
- Randall
- Brian
- Jericho
- Johan
- Gerald
- Nick
- Carlo
- Robbie
- Joaquin
- Elijah
STS Series
- Colin
- Mark
- Michael
- Daniel
- Matthew
Wiccan Sisters
- Cleo
- Cordie
- Soya
- Allie
Christmas thingy series
Pulang series
Stand Alones
- Dexter and Cinderella
- Kendrick and Olivia








hi ms. elise, san ko mkkita ang mga teasers ng mga upcoming books mo? ippost ko sana sa website ko =)
Hi, Cess! Sorry wala pang teasers ang mga ito. Matagal pa kasi sila marerelease so wala pa talaga akong details sorry
Pero sabihan kita kapag meron na. Uy, thanks sa support… saka sa advertising haha
hello po ate Elise!! … I had read your lovesick MDs pocketbooks and I love it talaga!! .. lalo na yung A dose Of You.. nakaka kilig and talagang maa identify ku kung saan na yung turning point ng story mo kasi nandun na iyong kaba at excitement.. It made me relax..
D sana may part 1 yung mga stories ninyo..
DD God bless
I mean part two.. hehe
Han! Thanks sa comments! Ngayon ko lang sila na-approve
Thank you thank you at nagustuhan mo ang Lovesick MDs! Makikita mo rin (slight lang) si Doc Sam sa next series ko pero extra lang siya do’n hehe ang may story do’n ay si Jacob Villareal, ‘yong pulis na extra naman sa story ni Sam
Thanks sa comments! Na-appreciate ko talaga ang mga comments niyo. Nakakawala ng pagod hehe
hello,po!

i have read your works. Pinaka.gusto ko po yong ”SENTINELS” lalunglalo na si mac.
itatanong ko lang po kung may susunod pa ba sa series na yun. Thank you,po! godbless and more power!
Hello, Ella! Thank you, thank you, thank you! Super love ko rin ang Sentinels kaya ayaw nilang manahimik haha so far, approved na ang Sentinels 7 to 10 kaya lang hindi ko alam kung kailan nila ilalabas ^^ Sana magustuhan mo rin sila. Thank you ulit
really?? super excited na po ako. im sure magugustuhan ko yun. hehe!
God Bless you,po!
Thanks, Ella! God bless din! ^_^
hello ms.elise!i love reading over and over your sentinel series as i am fascinated with suspense thriller and romance at the same time…am looking foward to your next sentinels… uhmm,are they now the kids of the former sentinels?^^,
Hello, Tuesday! Thank you very much for your comment! Super appreciated. Iba talaga ang pagmamahal ko sa Sentinels kaya special ang mga comments about them. No, hindi pa kids ng Sentinels ng batch 2 ko. They’re the other military guys that I mentioned in the first six books. For example si Gage Aquino na handler ni Mallory sa book 6, si Apollo Marasigan, the pilot who flew the guys to Fort Magsaysay, si Sebastian Galvez, the coast guard guy who worked with Francis sa book 3 at si Derick Trinidad who was the undercover ISAFP agent sa book 5. Sila ang batch 2. Marami pang batches between them and Sentinels Generation II which will feature the kids. Oo, planado ko na pati mga buhay ng kids haha I just hope masulat ko sila soon. Thank you very much for reading them! I’m glad hindi lang ako ang mahilig sa romantic suspence and military romance
hello ms. elise im ur fan..i love your books,sayang nga lng yng iba d ko pa nababasa..hope mapublished na po yng sunod na sentinels..im looking forward to read them,coz ur awesome writer!!!!
Hello, Vanessa! ^^ Thank you for loving my books! hehe Sana nga malapit na ang next batch ng Sentinels! Sana rin ma-enjoy mo sila hehe thank you very much for taking the time to comment ha! Lagi ko ngang sinasabi, supper appreciated ang mga ganitong comments ^^
hi ms elise
si thina ching toh heheh
BOW talaga po ko sa inyo weeeew GALING .. nakita ko na bookshelf mo si nathan lang pala ang namiss kong kwento .. my copy pa kaya nun .. hihihihi … GODBLESS at aabangan ko pa ang ibang books mo .. AJA AJA !
Uy! Hi, Thina! ^^ Hehe thank you sa pagdalaw! Nakow, baka medyo mahirapan na tayo makahanap ng book ni Nathan. Sana meron pa sila sa Bookware hehe uy, salamat talaga ha! Sa dalaw at sa pageeffort mag-comment sa kabaliwan ko! hahaha thank you thank you ^^
nakow ms. elise WALANG anuman po .. idolkaya kita
hehehe trulalooo un .. SANA meron pa .. pero tagal na un ee nu.. pag napunta o nadalaw ka bookware patanong naman po
(kapal ng muka ee no ..) panu ba mg inquire? hehehe pdeng tumawag dun directly? SUPER WELCOME po
))
Hahaha matagal pa ako magpupunta sa Bookware hehe pero puwede ka naman mag-email sa info@bookwarepublishing.com or tawag ka sa 986-7179
Or iwan ka lang ng message sa website, sa http://bookwarepublishing.com. Ako kasi hindi ko talaga alam kung meron pa sila o wala na.
Hugs hugs! Thank you thank you ^^
hahahahahah
thank you .. nang istorbo pa ko sa inyo Soreeee hehehe sige po actually natry ko ng mg call sa bookware b4 nagtanong ako kung tumatanggap sila ng ojt hahahah ..
mua mua UR WELCUM ..
good luck sa mga pending stories mo.. gusto ko ng mabasa ung iba pang sentinels .. INTERESTING tlga .. Godbless po
Waaaah! Thank you ^^ Kailangan ko talaga ng luck bilang wala akong matapos ngayon haha :* :* :*
AJA AJA po
hi ate elise!
isha-share ko lang po na kapag bad trip po ako, malungkot, or stressed, tinitingnan ko lang ang mga sentinels at natutuwa na agad ako… they really make my day and make me feel happy kahit cover pa… no joke po ito.. as IN… hehe… right now, i’m checking almost daily para tingnan kung na-release na ba sina Pol at Derick dahil alam kong matatawa at mapapa-ngiti rin nila ako ng todo…
anyway po, salamat po for writing a series na nakaka-inspire, nakaka-in love at nakakapag-pasaya ng i’m sure hindi lang ako…
more power po at sana nga po dumami pa ang sentinels ng bonggang-bongga… mwaaaah po!
Thank you, thank you, thank you very much ^^ Nong sinulat ko ang mga boys, I was writing them for myself. Hindi ko talaga in-expect na maraming matutuwa at mai-in love sa kanila. So talagang natutuwa ako kapag nakakatanggap ako ng comments about them. Salamat talaga, Anne. Super inspiring at nakakagana magdagdag ng magdagdag ng Sentinels haha thank you ulit for reading and for taking the time to comment
walang anuman po… mwaaaaaah!
Sino si Jack at Ian? Lumabas na ba sila sa mga dating Sentinels?
Nope hehe hindi pa sila lumalabas. Surprise ‘yang dalawang ‘yan eh
Hopefully, masulat ko rin sila though.
Ay new character nice…..will be waiting for your sentinel books
Yup! New character! Tagal pa talaga haha thanks, Nancy!
Waaaw! Marami na naman akong aabangan niyan
Sobrang na-adik po talaga ako sa Sentinels niyo ate Elise. Excited na ako sa paglabas ni Matt Riley, teheeee ^^,
Paano po ba kayo nagsimulang magsulat? Hehe, GodBless po! HOOYAH!
Hi Micaella! ^^ Thank you. Sana mapaindigan ko lahat ng Sentinels na nakalista dito haha malayo pa si Riley pero marami naman siyang cameo appearance sa next Sentinels
Super excited na nga rin akong simulan ang kwento niya eh.
Nag-start ako magsulat no’ng bata ako, mga eight years old. Hindi kasi ako natuwa sa mga kaganapan or ending ng mga libro na nabasa ko eh hehe so nagmagaling ako at nag-rewrite. Pero sa MSV, nagsimula ako no’ng 2007. Sabi ko lang sa sarili ko, try ko kaya? So nag-start ako ng manuscript tapos pinasa ko no’ng natapos ko. A month later, no’ng nag-follow up ako, nakatanggap ako ng email galing do’n sa editorial assistant na tanggap ‘yung manuscript
Ayon na, sunud-sunod na hehe
Thanks sa comment! And I hope you enjoy the next Sentinels (at sana matapos ko na sila haha) Advanced Merry Christmas!