Here are outtakes from Crescent Heart:
There’s a missing part from Chapter Six, Crescent Heart. The start of the chapter was a cut so it started right in the middle of the scene. Here’s that part so that it doesn’t confuse you guys
SUMUNOD NA BIYERNES, KAARAWAN na ni Noah. At gaya ng hiningi niya, hindi na siya pinapadalan ni Cassandra ng mga bulaklak. Hindi niya sigurado kung ano ang naramdaman niya ng unang araw ng linggo na yun nang wala siyang nakitang rosas sa mesa niya. Ang alam niya, natuwa siya dahil pinakinggan siya ng dalaga, pero na-disappoint din siya.
At least, hindi na sila nag-ha-hide-and-seek ni Cassandra. Nakakalabas na siya ng opisina niya, at pag nakakasalubong niya ito, nababati na niya ang dalaga. Andun pa din yung sakit sa sikmura pag naaalala niya yung nakaraan, pero naisip niya, nakaraan na yun. Mature na silang pareho. Kaya na niya mag-patawad at makalimot. Kailangan na niya. Kailangan na niyang mag-move on.
Thirty years old na siya at hindi nineteen.
Kaya ngayong gabi, papunta sa birthday party niya sa bahay nila sa Makati kung saan siya na lang ang nakatira, nag-sama siya ng date, si Rosalie. Engineer din ang babae, matagal na niya itong kaibigan. Alam niyang may gusto ito sa kanya, at kahit paano, attracted siya dito. Maganda ang babae, matalino, masayang kasama. Kilala din ito ng pamilya niya kaya’t hindi na magugulat ang mga ito na kasama niya si Rose. Hindi naman sa isinama niya ang babae para pag-selosin si Cassie eh.
“Dadating ba sila Miguel?” tanong ng dalagang katabi habang papasok sila ng subdivision nila Noah.
“Yeah,” sagot niya. “Dadating ang buong barkada.”
“That’s great!” sabi nito. “Namimiss ko na sila. Sobrang busy na kasi tayo eh.” Hinaplos nito ang kamay niyang naka-hawak sa kambyo. “Thanks for inviting me ha.”
Nginitian siya ni Noah pero hindi umabot ang ngiting iyon sa mga mata ng binata. “No problem.”
—
Here’s the missing Nathan and Bethany’s Scene from Crescent Heart:
SI BETHANY ANG INABUTAN ni Noah nang umagang iyon sa kusina ng opisina. Nasa field si Nicko at may meeting naman si Nathan. Hindi pumasok ni Cassandra. May aasikasuhin daw kasi ito sa embahada ng France. “Good morning, Noah,” bati ni Bethany.
“Good morning,” bahagyang ngumiti si Noah. Para sa kanya, hindi ganon ka-good ang morning pero sino ba naman siya para sirain yun para sa hipag?
“Coffee?” alok nito.
“Sige, thanks.” Naupo si Noah sa silya habang ipinagtitimpla siya ng kape ni Bethany. Siya naman ang nag-handa ng paborito nitong peanut butter and condensed milk sandwich. Bigla siyang napatingin dito. “Buntis ka ba?”
Halatang nagulat si Bethany. “Ha? Hindi! Bakit?”
Itinuro ni Noah ang mga palaman na nakahanda sa mesa. Nagtaka sandali si Bethany bago tumawa. “Hindi. Hindi ako buntis.” Binalikan nito ang pagtitimpla ng kape. “Isa pa, kung buntis ako, si Nathan ang kakain niyan.”
Doon tumawa si Noah. Nalimutan niyang sineshare nga pala ng mga napapangasawa ng mga Callanta sa isa’t isa ang surefire way kung paano ang mga lalaki ang maglilihi. Nung buntis si Bethany kay Neil, si Nathan ang hindi magkamayaw ng kakakain ng peanut butter and condensed milk sandwiches. Sa huli, na-appreciate na din ni Noah ang kakaibang panlasa ng hipag sa sandwich, at alam na din niya ang gusto nitong timpla.
Nang ilapag ni Bethany ang tasa ng kape sa harap niya, inabot niya dito ang pinggan ng ginawang sandwiches. “Kamusta ka na, Noe?” tanong nito.
“Eto,” nagkibit siya. “I’m sure naikwento na sa’yo ni Cassie yung nagyari kagabi.”
“Ano bang nangyari?”
“Alam mo naman na eh.”
Ngumiti si Bethany at kinuha ang isang sandwich. “Alam ko yung side ni Cass. Hindi ko alam ang side mo.”
Marahang hinalo ni Noah ang kape. Matagal iyon. Halos lumamig na ang kape niya at naubos na ni Bethany ang isang sandwich bago siya nag-salita ulit. “Natakot ako, Beth,” pag-amin niya. “Mag-momodel na naman siya. Aalis na naman siya. Natanggap ko yung una kasi, wala siyang choice nun. Pero ngayon, pinili niyang umalis. Choice niya na iwan ako.” Sa lungkot na nasa tinig ni Noah, muntik nang umamin si Bethany na sandali lang sa France si Cassandra at babalik din kaagad.
“Anong gagawin mo?” tanong niya.
“Hindi ko alam eh.”
Mukhang batang kawawa si Noah at gusto niya itong lapitan at yakapin. “Care for some advice?”
“I’ll take anything.”
Hinawakan niya sa braso ang binata. “Mahal mo siya, di ba?”
“More than anything.”
“E di I’m sure na mag-aagree ka, na gusto mo siyang maging maligaya,” sabi ni Bethany. Nag-angat ng mukha si Noah at pinag-masdan ang hipag. “If you love someone, you’d be happy for them if they’re happy. Kahit hindi ka kasama sa happiness na yun.”
Kumunot ang noo ni Noah. “Ibig mo sabihin, hayaan ko na lang siya umalis ulit?”
“Yun ba ang gusto mo?”
Umiling ang binata. “Gusto ko siya maging masaya, pero gusto ko maging masaya siya na kasama niya ako. Gusto ko kasama ako sa happiness niya.”
“Di huwag mo siya pigilan,” mahinahong payo ni Bethany. “Modelo ang girlfriend mo, Noah. Yun siya. Hindi mo pwedeng sabihin na hindi mo siya pwede mahalin o hindi ka niya pwede mahalin kasi model siya. Kasi kung ganun iyon, hindi naging kami ni Nathan. Boss at sekretarya? Cliché na pang-romance novels lang. Pero naging kami, kasi mahal namin ang isa’t isa. Mahal mo si Cass at yun lang ang mahalaga. Mahalin mo siya dahil mahal mo siya, hindi dahil model siya, or in spite of her being a model. Kasama na dun sa package na yun yung aalis siya ng Pilipinas. Pero kahit naman nasa France siya, mababago ba nun yung nararamdaman mo sa kanya?”
Natawa si Noah. “Kahit pa yata nasa Pluto si Cassandra, hindi mag-babago yun.”
“See?” Muling ngiti ni Bethany.
“Ang tanga ko, Beth. Buti na lang nandyan ka. Alam mo, kung wala lang si Cassie at si kuya Nate, liligawan kita eh,” biro nito.
Tumawa si Bethany ng malakas bago niya nilapitan at niyakap si Noah. “Kung wala nga sila, sasagutin kita.”
“Tsk tsk,” sabi ng isang tinig sa may pintuan, at nag-hiwalay sila nang makita si Nathan. “Dahil masyado kang busy sa panliligaw sa misis ko, malamang hindi mo alam na tumawag ang girlfriend mo at lilipad na siya papuntang France in an hour.”
“Ano?!” gulat na tanong ni Noah. Napatayo siya, namimilog ang mga mata.
Nilapitan ni Nathan ang asawa na yumakap naman sa bewang niya. “Hindi mo na siya mahahabol ngayon.”
“Sa eroplano, hindi. Pero sa Paris…” Tinignan ni Noah ang kapatid. Mabagal na ngumiti si Nathan.
“Sa wakas, magagamit mo na din yung vacation leaves mo. Nalulugi ang kumpanya sa VL conversion mo eh.”
Tumawa si Noah. “Thanks, kuya!” sabi nito bago nagmamadaling lumabas ng kusina.
Tumungo si Nathan para gawaran ng halik ang asawa. “So, sasagutin mo talaga so Noah?” mapanukso ang ngiti nito.
Hinalikan siya ng masuyo ni Bethany. “Kung wala ka at wala si Cassandra.”
Tinugon ni Nathan ang halik ng asawa bago nito napansin ang mga palaman na nakahanda sa mesa. Tinitigan niya si Bethany, nanlalaki ang mga singkit na mata. “Buntis ka ba?”
Tumawa si Bethany at ginawaran ng maliliit na halik ang pisngi at panga ni Nathan. “Yan din ang tinanong ni Noah kanina. At ang sinabi ko, hindi ako buntis. Kasi kung buntis ako, ikaw ang kakain niyan.”
“Good point,” sagot ni Nathan bago pa muling hinalikan ang labi ni Bethany.
“Hmm, gusto mo bang masundan na si Neil?” tanong nito sa kanya. “Baby girl naman?”
“Utang na loob, kung tatakutin mo lang ako tulad nung ipanganak mo si Neil, okay na sa’kin na isa lang ang baby natin.” Sambit ni Nathan. Tuwing naiisip niyang muntik nang mamatay ang mag-ina niya nang ipanganak si Neil, kinikilabutan pa din siya.
“Pero hindi ka naman hihindi pag inaya kitang mag-try di ba?”
Pinagmasdan niya ang asawa. “Are you seducing me, Mrs. Callanta?”
“What do you think, Mr. Callanta?” balik nitong may pilyang ngiti.
“Cancel all my appointments today. Mag-uundertime ako.”
Tumawa si Bethany at niyakap ng mahigpit si Nathan. “Consider your appointments cancelled, sir.”
All titles are copyrighted to © Bookware Publishing Corporation

Nothing Else Matters












