Excerpt from Midnight Sun (Sentinel #7)

CIA Headquarters, Fairfax County, Virginia, U.S.A.
“HEAT SEEKER,” sabi ng isang pamilyar na tinig sa telepono nang sagutin ni Gage Aquino ang tawag. Kaunti lamang ang may alam na siya ang tinutukoy ng field handle niya na iyon, ang Director of Operations ng Central Intelligence Agency na kanyang boss, ang limang mga contract agents ng ahensiya na siya ang tumatayong handler, at ang lalaking nasa kabilang linya.

“Triton,” sagot niya.

“Libre ka ba?” tanong ni Lt. Commander John Mackenzie Herrera, commanding officer ng isang tropa ng mga marino mula sa U.S. Navy SEAL Team One.

“Depende sa kailangan mo,” nakangiti niyang tanong. Nakilala niya si Mac nang magtrabaho sila sa isang misyon pitong taon na ang nakalilipas. Naging magkaibigan sila kahit pa hindi sila gaano nagkaka-usap dahil sa pareho nilang nirerespeto ang trabaho at ang kakayahan ng isa’t isa. Ito rin ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya ng kanyang buhay. “Are you on a secure phone?”

“Always,” sagot niya. “What is this, Triton?”

Isang salita lamang ang sinabi nito, “Chameleon.”

Kulang na lang patayin ni Gage ang computer kung saan siya nagtatrabaho para ibigay ang buong atensiyon niya kay Mac. “What happened?”

“Naambush sila ni Maverick kanina,” pagkukuwento ng kaibigan.

Nabahala siya. “Are they alright?”

“Hindi sila nasaktan.” Mapait na tumawa si Mac. “Porsche ko ang biktima dito.” Ikinuwento nito ang sinapit ng kawawang sasakyan. “Someone knew exactly where they would be. Si Fuentes lang naman ang posibleng mastermind. Hindi puwedeng isa sa mga tauhan ko ang nag-leak ng impormasyong iyon lalo na at malapit sa bahay ni Tito Joe nangyari. It has to be someone there.”

“Alam mo bang sinasabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Gage. “You’re saying that there’s a mole here?”

Hindi niya maisip na may espiya si Vergel Fuentes, isang known international terrorist, sa loob ng CIA. Kung totoo ang sinasabi ni Mac, nanganganib ang kasiguraduhan, hindi lamang ni Mallory, na kilala rin sa pangalang Chameleon, kundi ng buong Estados Unidos.

“Hindi ko sigurado, pero mas mabuti na iyong ma-check natin habang maaga pa. You know what to do, Heat Seeker.”

Bumuntong-hininga si Gage. “Yes,” sabi niya. “I’ll call you as soon as I know more. You take care of her.”

“I will.” Pinutol ni Mac ang tawag.

Pinatay ni Gage ang telepono bago muling binalingan ang computer screen. Operatiba ng CIA si Gage na nagtatrabaho para sa Office of Terrorism Analysis. Minsan siyang sumasabak sa black ops kung kinakailangan. Ang isa pa niyang sikretong trabaho ay ang pagiging handler ng ilang mga contract agents ng ahensiya, ang mga “freelancers” nila, ika nga. Ang mga ito ang mga ahente ng CIA na hindi nakalista sa manipesto ng ahensiya, ang mga ahente na tinatawagan lamang kapag may kailangang mabilis at malinis na maipatumba para sa ikabubuti ng Amerika.

Isa sa mga contract agents nilang iyon si Mallory, ang anak ni Fuentes. Hindi lang siya nito handler, kaibigan din siya nito mula pagkabata. At ngayon, nasa panganib ang buhay nito hindi lang dahil sa nakatakas sa bilangguan ang ama nitong terorista kundi dahil may espiya sa ahensiya.

At kung may espiya sa loob ng ahensiya, ilan sa mga masasamang loob ang maililigtas nito para maghasik ng kasamaan? Ilang inosenteng nilalang ang maaaring masaktan dahil ibibigay ng espiyang ito ang kapangyarihan sa mga terorista para tumakas sa autoridad? Ilan pang tao ang matutulad sa ina at kapatid ni Gage na namatay dahil lamang nagkataong nasa maling lugar sila sa maling oras?

Muli niyang binigyan ng atensiyon ang computer. Gaya ng ibang computers sa opisina, naka-network ito sa main servers ng ahensiya. Kung may espiya roon, maaari nitong i-hack ang kanyang work computer kahit gaano pa ito ka-secure.

Nag-type si Gage ng ilang computer commands at lumabas ang kulay itim na DOS prompt. Maya-maya pa, mahina siyang napamura. Hindi siya ang huling nag-access ng files sa kanyang computer. At ang lahat ng files na nabuksan ay pawang tungkol kay Mallory Fuentes.

“Shit,” mahina siyang napamura.

Agad niyang inabot ang kanyang telepono. Tinuklap niya ang plastic na takip ng auditibo at naroon nga ang isang napakaliit na audio transmitter.

Muli siyang napamura. Ang tanga niya! Bakit ba hindi siya nag-ingat? Masyado siyang nagtiwala sa security ng CIA kung kaya’t hindi na niya chini-check kung ligtas ang computer at ang telepono niya. Tinignan niya ang cell phone na nakapatong sa mesa. Inabot niya iyon. Tinanggal niya ang sim card at binali iyon.

May narinig siyang isang mahinang tunog. At mula sa isang tagong kanto ng kanyang madilim na opisina, nakita niyang gumalaw ang isang anino…

(C) Bookware Publishing Corporation

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.You can leave a response, or trackback from your own site.
12 Responses
  1. Hannah Coo says:

    waaaaaaaaaa! =))) nabasa ko lang ang name ni mac, mallory, gage and etc., parang nagkaroon ng magnet ang mga mata ko! hahaha! sana meh extra rin nag kuwento ni mac at bryce.. MAS MAGANDA kapag meh part 2 ang Immortal Beloved!!! waaaaaaaaaaa!!! 6am pa lang, nasa bookstore na ako nakatunganga! <3 <3 <3

  2. Elise Estrella says:

    Hahahaha sino ko si JK Rowling?! hahaha naman! Ayan. Gusto ko na tuloy magsulat ng part II hahaha good luck to me!

  3. edithjoaquin says:

    ako yata ayoko ng part II but i want more sentinels where you can keep mentioning what’s been happening to all the other sentinels na nakilala na. hehehe! howzabouts 100 of them? heehee!!!

  4. Elise Estrella says:

    May plot kasi ako pang part II for Mac and Bryce. Tinanong din ako ni malou, sabi ko baka wala haha nahiya ako eh. pero sa isip ko lang naman yon. I’ll try to put them in the future books kaya lang kasi baka ang kulit naman kung lagi na lang silang andon :p

  5. Hannah Coo says:

    tama ka, ate Elise!! waaaaa! hindi na ako makapaghintay, ate!! hahahahah! Gustong-gusto ko na rin mabasa ang part 2 ng pagmamahalan nila! waaaaaaaaaaaa!! kahit abutin pa yan ng 500 pages or more, WALANG PROBLEMA!! <3

  6. Elise Estrella says:

    Nakow! hahaha good luck! Baka makatulog ka kapag ganyan kahaba ang ms ko! Baka sipain ako ng edito ko :D

  7. Hannah Coo says:

    hahahhahahha! :D di naman! :D D hinding hindi na talaga ako matutulog hangga’t di ko natatapos basahin ang 500 page book mo! haha!

  8. Elise Estrella says:

    Hahaha yon eh kung makatapos ako ng 500 page book at makumbinsi ko ang Bookware na hindi ako nagbibiro LOL

  9. Hannah Coo says:

    OO NGA!!! TRY MO!!! WEEEEEEE!!! mygasssss! di na ako mapakali rito!! waaaaaaa!!! sana payagan ka ate!! pero for sure, payag sila! magaling ka eh!

  10. Elise Estrella says:

    Hahahaha ‘di no! Baka pandilatan ako ni Sir!!! :) ) Tama na ‘yong hanggang 192 pages!

  11. Hannah Coo says:

    hahahah! o sige, payag na ako sa 192 pages pero 10 books per story! hahahahah!

  12. Elise Estrella says:

    Ganon?! @_@ hahaha araw-araw na buhay ng mga bida ang isusulat ko kapag ganyan! LOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

  • My Latest Release


    Sentinels (Book 9): Beautiful Soul


    You can also check out my bookshelf to see all my books.

  • Say What?

  • 2011 MS Count

  • Postcrossing

  • Find Freelance Work Online

    The On Demand Global Workforce - oDesk

    I'm an...
    best freelance writers

  • Daily Click

    The Literacy Site

    Pay Per Click

  • Amazon Book Deals

  • Nuffnang Ads

  • Archives

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

  • My Work is My Own

  • Theme Credit