“You can’t wait for inspiration. You have to go after it with a club.”
Jack London
I can’t speak for all the writers though since siyempre, iba-iba kami ng style at ng pangangailangan to finish a book ha. Marami nang nagtanong sa ‘kin kung saan ako kumukuha ng inspiration para sa mga libro ko, at kung kailangan ko ba ma-inspire para makasulat. Simple lang po ang sagot. 1) Inspiration is everywhere and 2) hindi po, pero inspiration helps.
Minsan, bigla na lang dumarating ang inspiration. Makakita ka lang ng isang bagay, may naiisip ka nang kwento na nakapalibot sa bagay na iyon. ‘Nong isang araw, nag-post ako ng picture nang makita ko si kuya na handler yata ng elepante sa Manila Zoo. Nakakita ako ng scene sa isip ko na puwede kong gamitin sa isang manuscript. Minsan naman, makakita ka lang ng kotse na may cute na driver na naka-kunot ang noo, puwede mo na siyang isipan ng kuwento. Inspiration is everywhere. You can use anything and everything in a manuscript. Saan pa ba tayo kukuha ng ideas kundi sa totoong buhay, hindi ba? Just use your imagination para mapalawak ang mundo ng maliit na bagay na iyon.
Minsan, inspiration can also be forced. Noong nasa college ako, sa Comm I class, nagbigay ng writing exercise ‘yong teacher namin. Nagbigay siya ng “what if” scenarios. What if there was a troll waiting for you at the bridge? What if you could fly to the moon? What if you only had a coffin to sleep in at night? Bilang mahilig ako sa bampira noon pa, pinili kong magsulat ng kuwento tungkol sa coffin. It’s the same principle when it comes to getting your inspiration. Walang bagay ang one dimensional, IMO. Lahat ng bagay may kwento.
For example, maglalagay ako ng baso sa harap mo. To be able to write about that glass, puwede mong isipin kung sino ang huling gumamit ng baso na ‘yan. Build that person’s profile. Lalaki ba siya o babae? Anong itsura niya? Anong ugali niya? Saan siya galing at saan siya pupunta? Sino ang mga kaibigan niya? Try mo. Sa huli, sa simpleng baso na ‘yan, may manuscript ka na. Trust me ^^
Kung kailangan ko ng inspiration to write? Kung ‘yong sense na inspiration meaning isang bagay (or tao) na bibigyan ako ng gana na magsulat, hindi po. Kasi kung hintayin ko ang inspiration bago magsulat, baka isang ms lang ako sa isang taon. I think that waiting for inspiration to strike is just an excuse a person uses when he/she is not writing. Oo, may mga panahon na inspired ako na kaya kong magtapos ng ms sa dalawa o tatlong araw. But that’s very rare. At ‘yon nga, kung hihintayin ko siya, dalawang ms pa lang ang nasusulat ko ngayon.
Kung gusto mo talagang magsulat, you get a pen and paper or you fire up your laptop or PC and you write, inspired or not. You do it because you want to do it. You can’t not do it. If you can’t write if you’re not inspired, you go after your inspiration. Personally, I can write if I’m not inspired. Kapag hindi ako nagsusulat, ibig lang noon sabihin tamad ako. I don’t use the excuse na hindi ako inspired. Although kapag inspired ako, it definitely makes writing easy.
How about you? Do you need to be inspired to write?