The Sweetest Fling

The Sweetest Fling
Written: 2009
Released: February 2011

Kasalukuyang palihim na iniiyakan ni Paige ang kataksilan ng kanyang boyfriend nang gabing nakilala niya si Wesley Ontiveros. Mabait ang binata at mukhang sinsero ang concern para sa kanya. The next thing she knew, she’s asking to go home with him.

It was supposed to be just a one-night stand. Pero masyado silang interesado sa isa’t isa para maputol lang doon ang ugnayan kaya nauwi sila sa pagkakaroon ng isang fling.

Pero habang kasama niya ang binata, napagtanto ni Paige na hindi na pang-casual affair lang ang nararamdaman niya. Hindi na sakop ng definition ng salitang ‘fling’ ang damdamin niya para kay Wesley.

She then realizes she’s in for another heartache.

Because she wants something permanent and lasting—from someone who admitted he is only a fling kind of guy….

TRIVIA

  • I started writing Wes and Paige’s story July 2009. I submitted it August 2010. I deleted all my previous versions and started from scratch. I was able to finish the book in four days and submitted it in six.
  • Paige’s original name was Gwynneth Flores.
  • Wesley was named for Wesley Crusher, Wil Wheaton’s character in Star Trek: The Next Generation.
  • “The Sweetest Fling” was taken from U2′s song, “The Sweetest Thing”. It was was also supposed to be called “With this Fling”.
  • When I went to Boracay, I was surprised at how right I was when I described it in the first drafts of the manuscripts although I’ve never been there. I also fell in love with Boracay when Edith Joaquin and I were there even though it was very stormy.
  • The dishes Wesley cooked were Giada de Laurentiis’ recipes from Everyday Italian on the Food Network.
  • This is my first attempt at writing for MSV’s Desire line and it was a bit embarrassing. I have written love scenes for previous books, but still, I feel self-conscious about this book. The love scenes aren’t as descriptive but I still feel exposed which was why I skipped editing the love scenes.
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.You can leave a response, or trackback from your own site.
24 Responses
  1. Ailehn says:

    SUPER DUPER MEGA KILIG AKO DITOOOOOOO ms. elise :”"”> Ang sweet sweet ni Wes. At ang HOT ni Paige! :) Feeling ko nagbublush ako sa Love scenes nila, hihihihihi :”>

  2. Elise Estrella says:

    Susko! Nag-blush din ako habang sinusulat ang mga scenes ng dalawang ‘yan! Hindi ko nga kinayang i-edit! haha

  3. Kat says:

    Natawa ako sa “Don’t judge me” comment mo. Haha. You forget that I’ve actually read a “hot” scene that you wrote, but that was way, way, way back. At hindi Tagalog. Pwede ka na mag Blaze teh. :) Congrats on another awesome book!

  4. Elise Estrella says:

    Woohoo! Sabi sa ‘yo eh. Your opinion matters to me most. Thanks for the feedback (good or bad). Salamat sa pagbabasa. I know hindi ka mahilig talaga sa ganyan pero binabasa mo pa rin kasi ako ang nagsulat at love mo ako! Hahahaha pero wala ka namang nabasa na hindi mo pa nababasa sa mga Nora Roberts ‘di ba? I don’t even use the word n*pple hahaha thanks, Kat. I don’t think I tell you that enough. Hindi lang for the books ha… but for the 11 years of friendship :)

  5. Rozz says:

    eksakto 6:10pm march 26,2011 nabili ko cia sa NBS MOA. ^_^ im so happy kc yun naman talaga ang pinunta ko dun, ang mabili cia ( iba pa xmpre ang mag-seeing ng mga fafa *na ang dame-dame pramis!!* at kumain ng kumain ng kumain ng kumain,,burf!! xcuse me!. =) ) inumpisahan ko ciang basahin kagabi,,di pala kaninang madaling-araw,,3am na kc kaming nauwi at binasa ko cia hanggang 4am ( adik lang! ),,haha! di ko cia natapos kaya ngayon ko lng napagpatuloy ulit. eto nga 3:20pm march 27,,natapus ko nacia!,,*yehey!*,, XDD ewan ko kung masasabing review to pero gusto kong sabihin dito kung anu masasabi ko sa book. (o-ha!!, nag-level up naku!,,di na lng basa ng basa ng mga HOT scenes,,haha!..:) )

    1.) “The pleasure was too intence”. napa-angat ung kilay ko ng mabungaran ko to,,then ayun na nga,,hehe dahil lam ko na mga susunod na magaganap. umpisa,,kalagitnan,at dulo ng istorya meron neto,,xmpre desire nga diba?..saka fling-fling lang. pero ang nagustuhan ko, di bastusin ung mga “ganung” eksena kc alam mo kahit panu my feelings cla sa isat isa habang ginagawa nila un, di na lng basta sex. though inaamin ko,,pag-iniimagine ko ung mga binabasa ko,,,*weeeeee* haha,,nakakailang din talaga,,pero kudos to miss elise!,,*haha,,ate den pala :) *

    2.) wesley and paige. luv their names :) di ku lang alam kung aku lng nakakapansin neto pero pagandahan talaga ng names pag-sa pocketbook no?..hehe parang dun din nasusukat itsura nila. :) and OMG! CHEF c WESLEY! C-H-E-F!!! CHEF!! CH*T!! lakas pa naman ng mga tama ko sa mga lalakeng marunong magluto o marunong ng mga gawaing bahay. ang sexy kc tingnan. at sexy naman talaga c wes. 0_0 *drool* at c PAIGE!! luv her character,,sayang basahin ung mga nilista niang gagawin na nia na di na magawa nuon,, :)

    3.) ang sayang basahin ung story nila, from being “flingmates”,,haha ;) hanggang unti- unting nagkakakroon sila ng feelings sa isa’t-isa na sa umpisa pa lang naman eh meron na. alam mo yun?,,lumalago sa raw-araw na magkasama sila. i luv blanche,,hehe,,pangpagulo ng story,,saka parang nagka-sentinels scene din,,nung sinapak ni paige si blanche!,,bwawawahhaha.luv it!,, XDD,,special mention cna: buena at ate mina ontiveros!! dwende?.haha,,natawa talaga aku dun. luv ko din ung scene na na parang batang pinagsasabihan ni ate mina si wes. ang cute!,,:))

    ung pagod, oras ,at perang pinambili ko ng book nato e di ko pinagsisihan. :) ganun talaga cguro ung feeling pag gusto mo ung binibili mo at idol mo pa ung writer at my contact ka pa talaga sa kanya. sayng lng talaga kc 2 lang sa lahat ng desire books ang nabili ku,, ;( pramis kukumpletuhin ko talaga clang lahat!..nakow,,haba na ng space na ginamit ko d2!..:) congrats agen ate den *clap clap*!! ^_^

  6. Elise Estrella says:

    Awaw!!! Ano ba ito! Na-touch naman ako at talagang bonggang effort ang ginawa mo para sa libro na ito! Napa-MOA ka na nga, talagang nag-review ka pa!!! Super appreciated ang comment mo at ise-save ko siya sa aking folder ng mga pampalakas ng loob haha

    Ang kasagutan ko ay ito:

    1) Kinakabahan kasi ako sa libro na ito kasi una, alam kong marunong ako magsulat ng love scenes pero sa Ingles. Iba kasi ang tama kapag Tagalog ang love scene at ang worry ko ay ‘yon nga, paano kung magtunog bastusin siya? Ako pa naman ‘yong writer na gusto ko eh sweet ang mga heroes ko. Eh pang-Desire ‘yan. Paano ko babalansihin ang sweet at bastos. Ahay! haha Awa ng Diyos mukhang nagawa ko naman based sa mga feedback. So thank You Lord.

    2) Thank you sa compliment sa names! Matagal ko nang gustong magsulat ng Wesley ang name ng lalaki at ito nga ang mapalad na nilalang hehe si Paige naman eh bigla na lang sumulpot. Hindi ko alam kung saan ko nakuha. At oo! Sexy nga ang lalaking marunong sa bahay! Honey! Pagplantsa mo nga ako! hahaha

    3) Hindi ko alam. Parang kailangang may violence ang libro ko! haha kailangan may sapak factor eh. Pero she deserved it sa palagay ko. Violence is never the answer kaya lang may mga tao lang talagang kailangan maturuan ng leksyon. Love ko rin si Ate Mina. Kung may happily ever after lang sana siya. At si Buena? Love ko talaga si Buena :D ‘Wag na nating pag-usapan si Blanche though hahaha

    Thank you talaga sa effort na pag-”review” ng book ko na ito. Salamat din at naisip mong worth sa pagod mo :* Salamat ng very many.

  7. Rozz says:

    Eeehh!!! *hiya* hahaha! Sa totoo lang po, ang dami kong gustong baguhin sa ‘review’ ko nayan, kya lang napost-comment ko na cia,,hehe,,feeling ko po kc kulang na kulang pa cia, d ko masyado naipaliwanag tlaga, pero salamat po at na-appreciate nio din. 1st time ko pong mag-review ng buk na pinabasa ko pa sa writer ;) nakakakaba din pala,,hehe,bka mali ung mga pinagsasabi mo, nakakahiya! *wala nakung masabi, nahihiya pa din tlaga ku haha* ( saka dba ate den d kita bati?,haha,,alis naku d2, nasa teritoryo aku ng enemy, bka bigla nalang akung pasabugin dito,hehe %-) )

  8. Kat says:

    N*pple amp. LMAO. Aww *hugs back* you know I’ll tell you if I don’t like your stories. Di ba kay Cedric? Well, not that I didn’t like the story but I didn’t like the bida more haha. I’ll probably read that one of these days. :)

    Speaking of “sexy guys na marunong sa bahay” may nakita ako sa Booksale. “Pr0n for new moms” pictures of guys in various domestic situations. Wahaha. Aliw.

  9. Elise Estrella says:

    @ Rozz: Na-appreciate ko talaga ang review mo hehe kahit pa feeling mo kulang. Tinamaan na ako sa heart, kidney at lungs hehe thank you sa kind words. Bakit ka naman kakabahan? Eh kami nga dapat ang kabahan dahil work namin ang binabasa ninyo. Any review, good or bad, maaappreciate namin kasi siyempre, feedback ‘yon sa work namin :D

    Medyo ok ok na ako. Wala pa rin ako masyado sa mood makipag-chikahan haha naka-off nga ang phone ko eh :p Pero thanks talaga dito sa review, Rozz. Mwah! :*

  10. Elise Estrella says:

    @ Kat: Oo di ba? hahaha I can’t write that down kapag sa MS although nakabasa na sila Allan an Tin ng sinulat ko na erotica… as is erotica with all the four letter words hahaha yeah, you let me know. Mas gusto ko nga ‘yon na sinasabi niyo sa ‘kin na may hindi kayo gusto. I also like it that you guys also know that I’ve written the books exactly like I want them to be written :D

    Mukhang interesting yang “pr0n for new moms” ah! hahaha sexy kasi ang mga daddies na nagluluto, nagpa-plantsa, naglalaba and the like… lalo na kung hunky, alpha male types! *drool*

  11. Rozz says:

    ^_^ ok lng po ate den! di porke nakaonline aku at nakaonline kau eh chikahan galore na dapat. :) pero aaminin ku, masaya kau kausap. :) saka adik, loka, lahat na!!..haha,,cge po,,pahinga nio na lng yan! :)

  12. Elise Estrella says:

    Naku, sumasagot naman ako kapag kinaka-usap hahaha oi, baka naman natakot ka talaga ha! May ganitong mood lang talaga ako. Pero kung talagang wala naman ako sa mood, eh hindi naman ako mag-oonline talaga :D sasagot naman ako kapag sinundot hahaha naku, salamat at kahit pano na-eentertain pala kita kapag magka-usap tayo haha kala ko kailangang ko pang mag-tambling o kaya bumirit ala Charice eh :D Thanks, Rozz! *hugs*

  13. Rozz says:

    Haha! Kung kaya nio pong mag-ala-charice e mas lalu ko na kaung love nian! Hehe joke lang po. D nio na kailangang gawin un, bka kc magkatsunami ng wala sa oras eh, haha pero seryosu, ganyan lang kau ate den ha? Wag kau magbabagu kht minsan beastmode kau haha,,tlagang gnun naman po my mga bad days taung lahat,, *anubey! Ang drama ku tonight!* haha cge po ate den! Wala naku lod! Haha night po! ;-D

  14. Elise Estrella says:

    Hala. Ayan, feeling ko nabigyan ako ng virtual hug! hehe thanks talaga, Rozz. You have no idea how much I appreciate that :) Ayan, napa-English ako hahaha pero thanks talaga. Sige na nga! Log out na rin ako. Good night!

  15. ..ms elise bumibil po ba kayo ng romance story came from ohther writer?

  16. Elise Estrella says:

    Bumibili ako ng books ng friends ko hehe

  17. creschai says:

    h! miss elise sinusundan n nman kita hehehehe!..:)

  18. creschai says:

    ala p po bang bagong release hehehehe! naexcited n po akong bumili ng bgo nyo eh:)

  19. Elise Estrella says:

    Hi! Wala pang bago eh hihi hindi ko alam kung kelan sila magre-release ng bago. Naku, kailangan ko na talaga magsulat ulit! Nauubusan na ‘ko ng pondo hehe thanks sa comment! At sa pagsunod ^^

  20. LHYN says:

    miss elise bibilhin ko yan bukas nang majudge ko nga rin hehehe..

  21. Elise Estrella says:

    Nyay! *kinabahan* hahaha Hindi naman kakaiba sa mga sinulat ko itong book na ‘to… ano… medyo… medyo ano lang… medyo…. pula hahaha

  22. lhyn says:

    huhuhu hindi ko po nabili yang book na yan naubusan po ata nang copy,,waahh

  23. iana labrador says:

    whew! it took me some excruciating months before I eventually got hold of this “sweetest fling” ever… such sweet anticipation finally fulfilled…thank you EE for sharing Wes and Paige with us… =)

  24. Elise Estrella says:

    Thank you!!! Thank you for reading ^^

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

  • My Latest Release


    Sentinels (Book 9): Beautiful Soul


    You can also check out my bookshelf to see all my books.

  • Say What?

  • 2011 MS Count

  • Postcrossing

  • Find Freelance Work Online

    The On Demand Global Workforce - oDesk

    I'm an...
    best freelance writers

  • Daily Click

    The Literacy Site

    Pay Per Click

  • Amazon Book Deals

  • Nuffnang Ads

  • Archives

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

  • My Work is My Own

  • Theme Credit