Sentinels Book 6: Immortal Beloved

Eternal Father, faithful friend,
Be quick to answer those we send
In brotherhood and urgent trust,
On hidden missions dangerous,
O hear us when we cry to Thee,
For SEALs in air, on land, and sea.

Sentinels (Book 6): Immortal Beloved
Written: 2010
Released: November 2010

Sa isang gaya ni John Mackenzie Herrera—ang isa sa pillars ng Sentinels Securities Inc., at boss ng mga matitikas na Sentinels—failure is never an option. Kaya naman ganoon na lang ang respeto sa kanya ng mga tauhan nila ng pinsan.

Pero iba ang laban na kinaharap niya nang makilala niya si Bryce Fuentes, ang babaeng na-assign para i-train niya sa weapons at hand-to-hand combat.

Hindi siya maaaring gumamit ng baril o explosives, bale-wala rin ang lahat ng trainings na pinagdaanan niya dahil hindi naman itinuro roon kung paano gamutin ang sugat sa puso. At iyon na pinakanakakatakot na gagawin niya kung sakali: ang mahalin ang dalaga.

He has to watch himself and keep his distance. Best of all, he needs to remember that he is not the right man for her….

TRIVIA:

  • I wear a dog tag with the name “Herrera, J.M.” engraved on it.
  • When I first conceptualized the Sentinels, Mac and Cam did not exist. There were Russel, Jacob and Francis. Only when I wrote Russel’s story did I decide to give them a boss so the Herreras were born.
  • Mac was named after Linda Howard’s characters, John Medina, and Joe and Zane Mackenzie.
  • After I finished Mac Version 1, I bought Camilla’s Task Force Kapayapaan: Macario Dalupang because I found out that her series had the same concept as mine, as well as our heroes had the same nickname.
  • Bryce, Mac’s heroine, wanted to be a librarian, but she wanted to be a kick-@ss librarian so I gave her some pretty cool skills.
  • I Googled Mac’s name while writing this story. For some reason, Jack McCain (John Sidney McCain IV) came up. He became my visual peg, among others, for Mac.
  • I finished editing Mac Version 2 in Dumaguete City, in Edith Joaquin’s living room.
  • Edith’s Armand Xenaki has a cameo role in this book as well as some of the future Sentinels.
  • If it were up to me, this book will never end.
  • I also met an honest-to-goodness whatever-Mac-is (find out in his book) on Twitter. He’s my current crush.
  • I planned to write a longer version of Mac’s story before I thought about asking our editors if they would accept longer manuscripts. I got a tentative “yes” from them and wrote Cam’s story first. Whether it gets accepted or not, I was still going to write Mac’s story, anyway.
  • Out of all my manuscripts, Mac has the most versions: 7.

SOUNDTRACK:

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.You can leave a response, or trackback from your own site.
89 Responses
  1. freeverse34 says:

    may point ka dyan. mahirap talaga maging navy seal. napanood ko nga yung special ng navy seal sa discovery. mabibilib ka talaga kung pano sila nakakasurvive sa training at pinaggagagawa nila hehehe :) sana lang ganun din ka hi-tech ang mga gadgets ng military ng pinas.

  2. freeverse34 says:

    at astig lang din kasi si bryce kasi she can drift drive. tanong ka lang medyo crush ng bayan sa mga gf/asawa ng sentinels si mac. ika nga ni nina dreamy si mac. i just wonder kung merong ibang sentinels ang may crush kay bryce kahit minor lang hehehehe

  3. Elise Estrella says:

    Yup! Napanood ko rin ‘yon. Ang astig lang nila kapag SEALs na sila. Pero pinanood ko ‘yong docu about BUD/s training. Gusto ko maiyak sa awa kay Mac haha

    Know what, that’s a good question. ‘Di ko naisip na merong may crush kay Bryce sa team. At least not sa batch 1 at 2. Sa future batches meron, pero sa Sentinels 1 to 10 (aside from Mac), wala. Si Gage, I think, si Mallory ang crush niya hehe

  4. freeverse34 says:

    maganda naman talaga si mallory at ok naman siya pero for some reason mas drawn ako sa character ni bryce haha i still remember yung part sa story ni gage nung sinabi niya kay mac na crush siya ni bryce nung bata pa ito. talagang angil si mac! possessive lang?! nakakatawa yung reaction niya hehehehe

  5. Elise Estrella says:

    LOL Possessive eh. Baka kasi magbago isip ni Bryce haha minsan lang magselos si Commander Herrera. Hayaan na natin ;)

  6. freeverse34 says:

    well kung ako naman si bryce at ganun ka-dreamy physically, kabait at katalino ang guy ok lang kahit maging possessive hahahahaha

  7. Elise Estrella says:

    Hahahaha oo nga. ‘Di ako magrereklamo! Baka ‘di na nga rin ako bumitiw sa kanya! haha (Mas possessive pa pala.)

  8. freeverse34 says:

    LOL naiimagine ko tuloy si mac na nakakadena sa isang chair hehehehe i have another question pala. since sentinel na si bryce pinapayagan ba sya ni mac to do assignments on her own? given na si mac ang madalas na nagbibigay ng assignments sa mga sentinels hehehehe curious lang :)

  9. Elise Estrella says:

    Wahaha nice image :D

    Oo, Bryce goes on missions on her own kung kailangan nila ng EOD technician. Kung hindi, she’s at the base working support. Mostly, kung si Mac ang team leader ng op, hindi sumasama si Bryce kasi hindi sila puwedeng magsama sa isang mission. Si Cam ang kadalasang team leader ni Bryce :D Pero kung lahat sila kailangan sa isang op, walang choice, kasama siya ni Mac.

  10. freeverse34 says:

    hehehe ganun ba. so applicable din ba yan kay mallory? i mean sa mga missions ni mal si mac naman ang team lead niya :)

  11. freeverse34 says:

    ah another question pa pala. i’ve read kasi in one your comments dun sa works-in-progress part ng blog mo na planado mo na halos yung sentinels series so magkakaroon pa ba ng other female sentinels in the future aside from mallory and bryce? :)

  12. Elise Estrella says:

    Una, let me just say, I love your questions hehe

    Anyway, oo. Kapag si Mac ang team leader, usually doon kasma si Mallory. Kasi kung halimbawa si Mal at Cam ang magkasama tapos may mangyari sa isa, may tendency na i-prioritize, for example, ni Cam si Mallory imbes na ‘yong operation. Obviously, lalo na si Mac bilang compared kay Mal, hindi naman ganoon kabihasa sa combat si Bryce. They’re professionals pero buti na ‘yong malayo sa tukso hehe

    Female Sentinels… sa ngayon, wala pa akong plano. Sa takbo ng overall story ng series saka sa direction ng agency, baka hindi na sila payagan na magpasali ng babaeng Sentinel. Puwera na lang siguro sa support staff. Pero for combat? Baka hindi na. At least the type of combat na tulad ng mga op ng lalaking Sentinel :)

  13. freeverse34 says:

    hahahahah uy let me know lang if nakukulitan ka na ha. matanong lang ako kasi i just want to know what happens in the story behind-the-scenes ika nga hehehe after reading cam’s and mac’s story medyo marami akong naisip na tanong hahahaha pati nga yung timeline ng pag join ng batch 2 kinompute ko pa ha kasi napansin ko dun sa epilogue ng book ni mac wala dun sa event sina gage, derick, apollo at baste hahaha so i was thinking na malamang yung nangyari sa epilogue hindi pa members ng sentinels silang 4 nirerecruit pa lang sila siguro hehehe

  14. Elise Estrella says:

    Hehehe actually, Sentinels na sila noon. Pero hindi sila kasama sa States for the wedding :D Walang maiiwan sa base sa Taguig hahaha

  15. freeverse34 says:

    o kitams kaya nagtatanong ako mali pa naisip ko hahahahha maganda na yung straight sa author siguradong tama ang info bwahahaha taong bahay pala sila kaya wala :) kasi nung binabasa ko i was like asan si gage, baste, derick at pol hehehe wala bang plano magpakasal si mac at bryce sa pilipinas? san kinasal si cam at mallory? san naghoneymoon si mac at bryce at si cam at mallory? todo tanong lang? hehehe isusulat mo rin yung kwento ni joseph and john di ba? kaabang abang rin yun :) honestly ngayon lang ako sobrang natuwa sa isang tagalog book series kaya rin siguro kung ano ano tinatanong ko hehehehe anyway thanks for patiently answering my questions! i super appreciate your answers :)

  16. Elise Estrella says:

    Hahaha well, I also appreciate your questions ^^ saka I’m glad you’re asking them, sa totoo lang. So don’t worry hehe. Thanks for liking the series so much.

    Sa Santuario de San Antonio kinasal si Cam at Mallory :) Tapos sa Greece sila nagpunta for the honeymoon. ‘Di pa kasi nakakapunta si Cam doon saka gusto ni Mal sa Santorini at Mykonos. Si Mac at Bryce, sa isang isla sa Caribbean, sa St. Lucia :D

    Yup, actually scheduled for release na si daddy Joseph. Baka end of this month. Sana matapos ko na kagad si daddy John para humabol siya sa December release. Sana magustuhan mo rin!

  17. freeverse34 says:

    i love greece! isa yan sa mga dream destinations ko hehehehe maganda rin sa st. lucia. ang swerte nilang apat heheheh

    it would be really interesting to read yung story ni daddy joseph (naks naki-daddy joseph na haha) at ni mommy carmen. tutukan ba naman ng baril para lang mapaamin na in-love na si daddy joseph kay mommy carmen?! ay winner! pano kaya nya ginawa yun hahahahaha

    sana i-release na nila yung new books ng sentinels nang may mabasa naman akong bago. tapos ko na basahin lahat ng books sa sentinels series pati yung ibang libro na nabili ko hahahahha

  18. Elise Estrella says:

    Dream destination ko rin ang Greece! Kasama sa bucket list ko ang Athens. Wish ko lang mayaman ako haha

    Ang pagtutok naman ng baril ni Mommy Carmen ang katanungan ng marami haha medyo hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging character niya eh. Kasi sa isip ko, feminine siya saka grace under pressure talaga. Siguro ganoon lang ang destiny ng mga lalaking Herrera haha

    Baka by the end of the month, sa EB ng MSV, i-release na nila… pero hindi ko alam kung magkakasabay ang 9 to 11. Baka mauna pa ang 11, si Daddy Joe. Tapos November ang 9 and 10. Sana matapos ko na, para December ang 12. Wish ko lang bilang ang bagal ko magsulat ng mga panahon na ito talaga.

  19. freeverse34 says:

    ikr! sana maraming pera para makapunta kung san-san hahahaha kaya lang hindi ganun

    napansin ko lang kasi medyo may kabagalan ng konti ang mga herrera guys sa pagsasabi ng i love you sa mga babaeng mahal nila. parang gf muna nila bago magsabi ng i love you! kung gano lakas ang loob sa labanan ganun ka-takot sa mga babaeng special sa buhay nila mga members pa man din sila ng special forces nakakatawa lang bwahahahaha… i just wonder kung may kabagalan din si daddy john kay mommy laurel nyahahahaha

    may question pala ako (na naman! hehe) i just wonder kung may bonding activities si mallory at mommy carmen pati na rin si bryce at mommy laurel aside dun sa naisulat sa books? :)

  20. edithjoaquin says:

    may i just say, freeverse34, i love the way you think! :D

  21. freeverse34 says:

    thanks ms. edithjoaquin! :) kawawa na nga si ms. elise sa akin bombarded with questions hehehehe. I was able to browse thru sa story ni brent ng x my heart series mo. since hindi akin yung book and mabilisan lang yung epilogue lang ang nabasa ko ng buo. in fairness, nakakatawa yung last part of the book. i just wonder kung magiging couple sa isa sa mga future books mo si hera yung anak ni kyle marasigan (na best friend ni cam) at si aki or achilles (not sure if i remember his name correctly) yung anak ni kenneth (hindi ko rin sure kung tama naalala ko na anak siya ni kenneth)

  22. edithjoaquin says:

    naku, magkausap kami the other day ni elise and we share in finding enjoyment sa katanungan mo kasi nakikita namin how involved you are too, sa mga buhay nila. ganiyan din kasi kami with the boys, may side stories outside of their lives in the book.

    dun sa question mo, yes, anak ni kenneth si achilles and i do plan to make a story for them ni hera pero medyo matagal pa siguro. si kyle magdayao po siya, hindi marasigan. hehe… si apollo po yung marasigan. kyle is my character, may sarili siyang story kaso medyo matagal na yung book niya. :)

  23. Elise Estrella says:

    @ freeverse34: Medyo may kabagalan nga sila. Although si daddy John, medyo mabilis… sa ibang aspeto hehehe Wala lang. Gusto ko lang kasi ipakita na hindi naman Supermen ang mga nasa Special Forces/SpecOps. Tao rin sila. They have fears and weaknesses. Matapang sila sa field and they’re not allowed to make mistakes there kasi buhay nila saka ng teammates nila ang nakataya pero that doesn’t mean hindi sila puwede magkamali in real life :)

    May bonding activities din sila of course. Nagluluto sila hehe Mal and Mommy Carmen. Marunong naman kasi sila magluto pareho sa sa kusina ang bonding nila. Si Bryce at Mommy Laurel, baking naman. Hindi kasi marunong magluto si Bryce pero dahil may sweet tooth si Mac at mahilig sa brownies at kung anu-ano pang matatamis, ‘yon ang pinag-aralan niya. And they all shop together.

  24. freeverse34 says:

    @edithjoaquin lol ayan na mix-up ang surname nyahahaha well at least naalala ko yung details sa mga anak. when i was reading the epilogue nga i thought may future itong si hera at aki ha hehehehe yun nga lang kulang sa details na nabasa ko since hindi ko nabasa yung buong book. mahiram nga sa friend ko yung copy nya bwahahha oo mahilig ako sa side stories lalo na pag may nagustuhan akong mga characters. masarap lang mag-imagine na may continuation ang stories nila after the book hehehe.

    @eliseestrella hmmm aabangan ko kung san mabilis si daddy john. i actually enjoy yung characters ni mac at cam. actually lahat sa sentinels nakakatuwa ang characters nila sa iba’t ibang way :)

  25. freeverse34 says:

    hi ms. elise i got curious about suzanne brockmann because of you so i decided to do some research on her. did you know that she has a new series called fighting destiny and the first book in that series born to darkness has a character named dr. michelle “mac” mackenzie. wala lang, deja vu lang hehehe kasi naman eh talagang mackenzie pa ang surname at mac pa ang nickname nung character although the difference is siya yung heroine. baka naman related siya kay mommy laurel? hehehehe

  26. anne143 says:

    @ate elise and ate edith: habang binabasa ko po yung sentinels saka yung isang outtake ni kenneth at ni russel, natawa ako ng bongga at pinangako ko sa sarili that i’m gonna secure a copy of his story para masundan ko ang kakulitan niya… at ayun po! nung nabasa ko ang story ni Ken, parang ginusto ko ring kumpletuhin ang magkakapatid! that i was able to do naman po… hehe :D

    natawa nga po ako kasi mommy ko po ang pinabili ko at nagulat siya sa hilig ko daw sa military guys… hehehehe :D

    i just wanna say po na nakakatuwa po talaga ang pagkakaibigan ng mga “boks” sa mga books… tanong ko lang po, did you really talk to each other while writing your own books? hehehehe… nakakatuwa po kasi ang inter-relationships nila eh… hahaha… i just wish there would be more people like them na “would kill for each other and would die for each other” para sa mga taong mahal nila…

    lastly, gusto ko lang po sabihin na marami pong tao ang napapangiti at na-iinspire niyo sa bawat character and book ninyo… salamat po for that mga ate… :D

  27. Elise Estrella says:

    @ Anne: Thank you, Anne :) Yes, nag-usap kami ni Edith tungkol doon sa ibang boys. Medyo mahirap kasi, logistically speaking, ang mag-plano ng mga ganyan. Naaayos naman namim so go lang kung posibleng banggitin ‘yong mga characters sa story ng isa’t isa. Thank you for the very nice comments! Saka thank you din for reading the books ^^

  28. Elise Estrella says:

    @ Freeverse: I LOVE! As in LOVE Suzanne Brockmann. Nagbasa ako ng book niya kagabi. Prince Joe/Forever Blue na first books na sinulat niya na may heroes na Navy SEALs. Hindi ako nakatrabaho kasi tinapos ko! hahaha I love the series, saka ‘yung isa pa niyang SEAL series na SEAL Team Sixteen/Troubleshooters. Anyway, ‘yong binasa ko kagabi, natawa ako kasi may mga scenes sa books na nagamit ko sa sarili kong libro. Like ‘yong pagbibigay ng SEAL trident pin, etc. Tapos ang pangalan no’ng SEAL ay Joseph. May kaibigan siya na SEAL admiral ang pangalan, Mac na may anak na ang pangalan ay John hehe feeling ko tuloy “great minds think alike”. Kapal ko! hahaha Basta ganon. Natuwa lang ako ^^

    Anyway, alam ko ‘yong new series niya pero hindi ko pa nababasa. Baka pamangkin ni mommy Laurel haha Basta, I love Suzanne Brockmann. Ang galing niya magsulat ng POV ng guys.

  29. freeverse34 says:

    kung ako rin naman yung nasa position mo at ganyan ang nangyari eh talagang tatumbling ako sa tuwa :D at dahil sa na-curious ako kay suzanne brockmann dahil sayo eh napabili ako ng books niya sa booksale. i started reading hot target. i think that’s from her troubleshooter series, in fairness ha page turner siya. ang hirap bitawan kung hindi lang ba sobrang lakas ng tawag ng antok sa akin eh malamang tinapos ko rin siya kagabi hehehe

    oo nga pala i think hindi ko pa nasasabi sa inyo ito ni ms. edith but aliw na aliw ako sa inyo kasi naman it is rare for women to appreciate military related stuff. nakakatuwa sobra or siguro yung nasa immediate social circle ko lang hindi ganun ka-appreciative kaya medyo nakakapanibago kayo hehehe :D i was teasing my dad (who graduated from pmma and i guess another reason kung bakit love si baste), na dapat sila rin may mandatory government service ang sabi ba naman hayaan na natin ang mga taga PMA diyan expertise nila yan. pang international shipping companies ang kagwapuhan namin hehehe i was like o sige kayo na!

  30. Elise Estrella says:

    Si Cosmo!!! ^^ Oo, maganda ‘yong Troubeshooters/SEAL Team Sixteen series. Nakakatuwa lalo na ‘yong mga male characters niya. May mga books na I like better than the others, siyempre but most of them are good.

    Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ako ka-fascinated sa military. Pero I’ve always wanted to be in the Navy talaga. Saka happy place ko ang PMA noong bata pa ako. Although medyo nag-lessesn ‘yon ng kaunti through the years, pero bumalik nong sinimulan ko ‘yong Sentinels series.

    Natutuwa naman ako sa daddy mo! Hahaha I wish I knew more about the people who graduated from PMMA. Isa lang kasi ang kilala kong taga doon. Hindi ko pa siya talaga na-interview kaya si Baste, medyo based on imagination din talaga siya hahaha

  31. freeverse34 says:

    yup si cosmo :) i also like the fact that suzanne brockmann has gay characters in her stories. isa pa lang ang nababasa kong libro niya but so far i like the way she writes jules. nakakatuwa kasi rare lang kasi ang authors na nagsusulat about gay characters in a medyo predominantly male/female na genre.

    well kasi my dad graduated from pmma saka may isa pa kong tito na dun din graduate. my dad’s family is quite military kasi my grandfather naman was a guerilla during WWII afterwards he worked in PAF naman as master sergeant (which kagabi ko lang nalaman hehe :D ). military din ang orientation ng pmma. siguro mageenjoy ka rin pag napasyal ka minsan dun sa school nila lalo na pag orientation ng mga new cadets. medyo malayo nga lang from manila kasi nasa san narciso, zambales yung school. siguro if i get to meet you in person pwede ko kayo isama ni ms. edith dun :D

    with regards kay baste natuwa talaga ako na may author na ginamit ang pmma as school ng kanilang hero. rare kasi talaga! :d gusto mo pala pumasok ng navy! bakit hindi ka pumasok? :) sayang naman!

  32. Elise Estrella says:

    I super love Jules. May sarili siyang book! Hindi ako mahilig sa male/male romances kasi wala pa akong nababasang talagang maganda, pero doon ako kinilig ng todo-todo sa story niya! Parang sa lahat ng kwento sa series, doon talaga ako sa kwento niya kinilig ng todo hehe ‘di ko ine-expect ‘yon actually pero gandang-ganda ako. Saka ang galing ni Jules. Nasa halos lahat yata siya ng books sa series na ‘yan eh. Gay kasi anak ni Suzanne Brockmann so talagang may soft spot siya sa mga gay characters.

    I’d love to see PMMA :D Sige kapag mag-chance. Dalin mo kami do’n. Naisip ko kasi kung saan pag-aaralin si Baste. Tapos parang PMMA lang ang school kung saan siya puwede manggaling. May isa pa akong Coast Guard na pinaplano. Doon din siya galing hehe

    Hindi ako puwede mag-sundalo eh. Malabo mata ko saka hindi ako pasok sa minimum height requirement! LOL Buti na ‘tong ganito. Bilang writer, kahit anong branch ng military puwede kong pasukin ngyahahaha

  33. freeverse34 says:

    ayos! anong title ng book ni jules? :)

    ako rin hindi puwede mag-sundalo. pasok ako sa height pero my eyesight is not good isama mo pang hindi rin ako physically fit. iniinvite nga ako ng dad ko na magenroll dati sa pmma i was like ok ka lang? una, i know for a fact na hindi ko kakayanin ang physical training. 2nd, baka mapaginitan lang ako dun lalo na at malaman nilang anak mo ko hehehe

  34. Elise Estrella says:

    Hahahaha oo nga! Mahirap na. Pagpi-piyestahan ka don LOL Ako naman no’n, alaga kasi ako sa lahat kaya parang naisip ko, gusto ko naman ‘yong ma-experience ang physical training, etc. Weird ako eh haha sigurado ko namang iiyakan ko ‘yon if ever pero gusto ko masubukan bago ko sabihing hindi ko kaya. Although lampa naman talaga ako haha

    “All Through The Night” ‘yong title ng book ni Jules. Ibang klase siya. Ibang klase kasi magmahal si Jules eh. Wagas! hahaha

  35. edithjoaquin says:

    ahm… sorry, off topic… :D

    @anne143, hindi lang kami nag-uusap. seryosong konsultahan itow. hehe! tsaka for some of the boys, magkatabi kami actually habang nagsusulat. those were the times Elise was at my house in Dumaguete. :)

    thank you for reading Ken and the rest of the Xenakis! i hope (nginig) di ka na-disappoint. :)

  36. freeverse34 says:

    hindi naman weird…adventurous ang tawag diyan :) hahanapin ko nga yang libro ni jules…

  37. anne143 says:

    @ ate edith: hindi po talaga ako na-disappoint pramis! … ang cute ng xenakis! as IN! hehehe… kayo po ni ate elise ang dalawang inspiration ko po as a writer… :D D hihihihihihihihi

  38. shey says:

    Hi, I’ve been searching all over Rizal area’s national bookstore just to find Sentinels book 6.
    pero wala pa rin akong mahanap. Im just wondering if you can somehow help me out. or any online shop na nagbebenta ng Book 6. I’d appreciate all the help I can get. Thanks.

  39. Elise Estrella says:

    Hi, Shey! Really sorry kasi matagal na na-release si Mac so kahit sa website ng publisher, hindi na siya available. May mga online shops sa Facebook na may copies pa. If you have a Facebook account, you could check out http://facebook.com/pinoypocketbooks or their website http://pinoypocketbooks.com. Baka meron pa sila. Really sorry. I don’t really have extra copies of the book anymore :(

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

  • My Latest Release


    Sentinels (Book 9): Beautiful Soul


    You can also check out my bookshelf to see all my books.

  • Say What?

  • 2011 MS Count

  • Postcrossing

  • Find Freelance Work Online

    The On Demand Global Workforce - oDesk

    I'm an...
    best freelance writers

  • Daily Click

    The Literacy Site

    Pay Per Click

  • Amazon Book Deals

  • Nuffnang Ads

  • Archives

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

  • My Work is My Own

  • Theme Credit