This series is probably my favorite of all the series I’ve ever written. Kung hindi ba naman, papayag ba naman akong 20+ heroes na sila and counting? Ang mga boys ng series na ito rin ang mga pinakamahal ko. I just want to share the teasers. The books will be released very, very soon. Hindi ko sure kung kelan pero malapit na.
Sentinels Book 1: Guardian Dear
Gusto sana ni Russel Manalo na magreklamo. Marunong din naman siyang sumagot ng telepono. Marunong din siyang mag-encode. Puwede siyang admin assistant sa opisina ng kompanya nilang Sentinel Securities, Inc., at mas matutuwa pa siguro siya kung iyon ang gagawin niya sa mga susunod na buwan kaysa siya magbantay kay Nina Carlos a.k.a. Princess Spoiled Brat.
Kilala niya ang babae bilang isang maarteng socialite na parating laman ng society pages ng diyaryo. Anak din ito ng bise-presidente ng Pilipinas. At kilabot ng Presidential Security Group dahil sa kamalditahan sa mga bodyguards na ina-assign dito.
Hindi pa man sila nagkakakilala, hindi na niya gusto ang dalaga…
Sentinels Book 2: Enigmatic Hero
Bago mapadpad ang lalaking ‘E.A. M. Cabrera’ ang pangalan ayon sa suot nitong ball chain sa kanyang klinika, almost pathetic ang existence ni Lily. Unang-una, wala siyang nobyo at isang German shepherd at isang Siamese cat ang humahalik sa kanya sa umaga. Ngunit matapos niyang matagpuan ang duguan at amnesiac na lalaki sa sahig ng veterinary clinic niya, nagkaroon ng thrill ang kanyang buhay. Aba, noon lang yata siya nakakita sa personal ng lalaking may six pack abs! At anghel ang tingin nito sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsagip sa buhay nito.
Pero siguro kailangan niyang maghinay-hinay kung ayaw niyang tuluyang ma-in love sa binatang hindi niya alam kung dapat bang pagkatiwalaan. Malay niya kung sa likod ng heroic nitong mukha at anyo, ay isang criminal pala ang nakatago…
Sentinels Book 3: Safe Harbour
Bagaman hindi siya pulis, kasama sa job description ni Francis bilang security specialist ang ‘To serve and protect’. Pero mayroong ibang aspeto sa pagkatao ni Josephine Mejia na nag-uudyok sa kanya para maging extra protective dito. At upang hindi na ito malapitan ng abusadong amain nito kahit kailan, minabuti niyang isama ito sa biyahe niya pabalik sa Maynila. Ang balak niya, ire-recommend niya ito sa boss niya sa Sentinel Securities Inc. para kuhanin itong sekretarya. Tinuturuan niya rin ito kung paano tumayo sa sarili nitong mga paa.
Alam niyang sa atensyon na ibinubuhos niya sa babae, hindi malayong mahulog ang loob ni Joie sa kanya. Hindi siya tanga o bulag. Alam niyang kung hindi pa siya nito gusto sa ngayon, kaunting tulak na lang ay papunta na roon ang dalaga.
Hindi siya nababahala. Because he would be there to catch her when that happens…
Sentinels Book 4: Valiant Love
Nagtungo si Jacob Villareal sa Dumaguete para magbakasyon habang pinag-iisipan kung gusto pa niyang maging isang Sentinel o tuluyan nang mag-resign sa ahensya.
Ang natagpuan niya ay isa pang rason para tanggihan ang alok na trabaho ng kanyang amo. He found Sonia, and another reason to keep himself on the safer side of life. Dahil naulila sa ama na isang pulis ang kanyang nobya, hindi nito nais na bumalik siya muli sa peligrosong trabaho na iyon.
Ang hindi niya nasabi sa nobya, wala talaga siyang balak na bumalik sa PNP, at ang pinag-iisipan niyang balikan—at siyang hinahanap-hanap ng pagkatao niya—ay isang hamak na mas mapanganib na trabaho…
—
Thank you, Malou and Apple! I can’t wait! Hindi na ako makakatulog nito!!!