My bunso sent me a message over YM saying that her new book has been released. So here’s a pic and teaser for Rhiana Dizon’s Girl, Be Mine. Congrats, bunso! So proud of you
“I love it when I see you smile… Dahil pakiramdam ko, sa kabila ng mga takot na nariyan sa dibdib mo, naipaparamdam ko sa iyo na narito ako na kayang magbigay ng ngiti at saya sa buhay mo.”
Hindi inaasahan ni Cherry ang naging pagtrato sa kanya ni Michael pagkatapos nitong malaman ang sekreto niya. Sa halip na lumayo ito ay lalo pa itong nakipaglapit sa kanya at pinagsilbihan pa siya. Sa madilim na bahagi ng kanyang buhay ay ito ang nagsilbing tanglaw at liwanag niya. Ang pagmamahal, pang-unawa, at pagkalinga nito ang muling nagpabalik ng tiwala niya sa buhay, sa kanyang sarili, at kung paano muling magmahal…
Makayanan kaya niya kung si Michael na nagbigay ng pag-asa sa kanyang buhay ang mawala?







