Congratulations, Angel Bautista!

Books, Just Saying, My Likes Add comments

To Love Again by Angel BautistaHer novel, To Love Again, is 1st runner up at PHR’s Novel of the Year for 2009!

Angel Bautista (PHR)/Carla Giopaolo (MSV) has become my favorite Tagalog romance writer since I first read Missy’s story. Inalok ako ni Apple, our beloved EA, ng books na pwede ko iuwi ang I saw a copy of  Nagkamali Ba ang Puso?, at hindi ko na pinakawalan. After that, naging fan na niya ako.

Favorite na favorite ko si Judith McNaught. Siya ang writer na nagtransition sa’kin from Sweet Dreams to romance novels, at pareho sila ng talent ni Angel. Hindi ako nagsasawa sa mga novels nila pareho kahit pa ilang beses ko basahin, at kahit ilang beses ko basahin, talagang sasakit at sasakit ang solar plexus ko sa mga parteng masakit sa dibdib ng mga characters. Ang galing niyang mag-develop ng characters at ang galing niyang mag-develop ng plot. At hindi halatang workaholic siyang hanggang leeg ang nakabinbin na trabaho kapag nagpasa siya ng nobela ha! Parang yung nobela lang niya ang tinatrabaho niya!

Hindi ako makapamili ng favorite kong Angel Bautista/Carla Giopaolo book dahil mahal ko silang lahat. Pero special ang To Love Again sa’kin kasi tinulungan ako ng librong ito na mag-iba ang tingin ko sa kapulisan. I swear takot ako sa pulis. Bago ko nabasa ang librong ito, never pa ako tumingin ng diretso sa mukha ng pulis. At kapag may nasasalubong akong isa sa kanila, mabilis ako maglakad palampas, palayo o patawid basta hindi ako lumapit sa kanila. Hindi ko alam pero may “pulis-phobia” ako.

Then, I met Patrick and Jay (ang aking si JC). After ng librong ito naging life’s greatest dream ko na ang makakita ng gwapong pulis kung kaya’t natutuwa na ako sa tuwing dadaan ako sa HQ ng pulis sa Pasig, at kapag may naka-unipormeng pulis akong nakikita, tinitignan ko na sila at ngumingiti na ako imbes na magmukha akong may bagong inisnatch na alahas sa Quiapo dahil sa bilis kong lumayo sa kanila. Hindi na ako takot sa kanila ngayon so dapat magpasalamat kay Angel Bautista ang buong PNP *ahehe*

Ang gusto ko lang naman sabihin ay congratulations, Angel! Here’s to more novels from you :) Salamat sa pag-she-share ng talents sa’ming mga fans mo. I’m sooooo proud of you.

10 Responses to “Congratulations, Angel Bautista!”

  1. JeanMae Oryza Says:

    at bakit inaangkin na naman si JC KO? ako din, mega fan ni angel bautista. i swear nung nagtext siya sakin para akong tanga sa mall na super lapad ng ngiti! sarap sumigaw sa tuwa.. :D

    and i agree sa lahat ng mga sinabi mo. kaya more novels pa din Angel/Carla!!

  2. Elise Estrella Says:

    JC mo? JC MO?! Hati na naman tayo? Hahahaha

    Ay aku ren sobrang tuwa nung nalaman ko ang magandang balita! Parang nanalo rin ako ng novel of the year kahit hindi naman ako sa PHR nagsusulat! LOL

    Eh si Maan Beltran kaya? Kelan ang novel of the year?

  3. JeanMae Oryza Says:

    wee.. kapag nanalo ng novel of the year si elise estrella. susunod ako.. :)

  4. Elise Estrella Says:

    Nyah! Hahaha anobah! Imposible iyon! Unang una na dahil ibang publisher ako! Hahahaha Sus! Isang “Destined to Be Mine” lang yan, pramis! Next year am sure susunod ka na.

  5. louise dane Says:

    wow! galing naman, idol talaga. Sabi sa inyo, pa-autograph naman, angel!

  6. Elise Estrella Says:

    Hoy, LD! Long time no see! Miss na kita ah! Minsan dadalawin kita nang walang dahilan hahaha galing ni Angel no?

  7. edith joaquin Says:

    BUHAY SI LD!!!!!! WAAHHH!!!!

  8. carla giopaolo Says:

    akalain mong may ganito pala rito. hahaha. grabe! hindi ko ito kinaya. maraming salamat elise. i have not been feeling well (epekto ng oysters sa empty stomach) pero parang bigla akong gumaling. hindi pala doktor kailangan ko, blog lang ni elise estrella. hehe.

    thanks for writing this. means a lot dahil isa ka rin sa pinakakanire-respect kong writers at isa sa pinaka-love kong newfound friends. (*ikaw rin maan beltran! remember our mutual admiration club? hehe)

    haaay. si jc. sana ay mabuhay na…

  9. Elise Estrella Says:

    ***hugs Carla*** maganda pala ang epekto ng blog entry ko haha you’re welcome ;) kaya ko naman ito sinulat dahil love na love din kita as my favorite writer, new-found friend, saka boss! LOL

    Ayan… hinihila ko na si JC. Babangon na yan. Makikita ko na siya sa shelf one of these days…

  10. JeanMae Oryza Says:

    hugs din kay carla… as in super duper hug kasi super duper namiss kita!!!

    basta ako… super love ko si angel b.. kahit sino man siya. haha.. kaya… JC! JC! JC! JC!

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
WP Theme by Ray Hosting and brought to you by Ray Creations | Wordpress Themes
CSS XHTML