Bookware’s September Release

Bookware’s September Release is out! It includes 16 books by THE best MSV writers. Congratulations everyone! And let me just say, I really <3 the covers! Awesome work, Miss Jill!

September Release


Heart Trekking
Jean Mae Oryza

Ayon sa kuwento ng matatanda, may hiwaga raw na bumabalot sa bundok ng Mount Kanlaon. May unicorn daw na nagtatago roon at susuwertehin umano ang taong makakakita sa mailap na hayop.

Misyon ni Claire na hanapin iyon upang maambunan ng suwerte ang minamalas niyang career at love life. Nagkrus ang landas nila ni Lander na noon pa ay fascinated na sa mystical mountain. Unang kita pa lang dito ay crush na niya ang binata kaagad. Kaso mukhang bad shot sa lalaki ang gaya niyang frank and liberated dahil sa mga karanasan nito sa mga ganoong babae.

Puwes, patutunayan niyang ang gawain ni Pedra ay hindi gawain ni Juana. Baon ang lakas ng loob, Claire started trekking toward Lander’s elusive heart….

My Serendipity
Yumi Sagara

It was perhaps serendipity. Muling nagkrus ang landas nina Leia at Kian, ang kinaiinisan niyang kapit-bahay noon at ang nagbigay sa kanya ng di-malilimutang first kiss. This time though, hindi na sila magkaaway. They became close—so close that he even gave her a passionate kiss to welcome the New Year.

Ngunit hindi niya inasahan na babalik din sa buhay nila si Charisse, ang kaibigan niya na first love ni Kian. At mukhang hindi pa natutuldukan ang romansa ng mga ito.

Suddenly, feeling out of place na siya sa buhay ng lalaki.

Had fate worked this way para bigyan ng second chance ang pag-ibig ng dalawa? Paano ang puso niyang lihim na nagmamahal sa binata?

Now she knew why true love also means letting go….

Undercover Date
Louise Dane

Ang assignment ni Adam Caballero ay manmanan lamang at alamin ang activity ni Florence Anne Legazpi. Ang kanila kasing kliyente na si Mrs. Elizabeth Oreiro ay may anak na baliw na baliw sa babae at napansin umano ng ginang ang malakas na paggastos ng anak. Nais malaman ni Mrs. Oreiro kung karapat-dapat ba ang dalaga para sa anak o plano lang talaga nitong huthutan ang unico hijo nito.

It was a dull job at katakut-takot na katuwiran ang ibinigay niya sa ama, na siya ring boss niya, para tanggihan iyon. Sa malas, hindi siya pinagbigyan nito.

Pero mali pala. It was not a boring job at all. At mukhang mas matinding panganib ang kakaharapin ng puso niya—it’s on the verge of falling in love real hard and Adam was afraid it’d be more than he could handle….

Heal Me, Love Me
Aira Felicity

It was the most ironic, not to mention the most foolish thing to do. Nagpakasal siya sa isang abogadong kakikilala niya pa lang upang hindi siya mahabol ng stepfather na balak siyang ipakasal sa isang lalaking hindi niya gusto. From one stranger to another? Nahihibang na nga yata si Ayesha Rose.

To her defense, wala sa anyo ni Atty. Adrian Sandovina na masama itong tao, hindi gaya ng inirereto ng kanyang padrasto. At napatunayan niyang tama ang instinct niya habang magkasama sila. Soon, hindi na niya napigilan ang sariling mahalin nang totoo ang abogadong heartbroken.

Ngunit hindi pala niya maaangkin nang ganap ang puso ng binata, dahil kahit kasal sila, bihag pa rin ng ibang babae ang puso nito….

Mali Man Ang Ibigin Ka
Carla Giopaolo

Parang panaginip. Iyon ang pakiramdam ni Selena sa isang linggong ginugol niya sa isla ng Camiguin. It was fun, carefree and exactly what a workaholic like her needed. Sa loob ng maikling panahon, naging grand bakasyunista siya sa halip na events planner extraordinaire at self-appointed family ATM. To top it all, isang guwapong estrangherong papasang man of her dreams ang tourist guide niya.

But like all dreams, it had to end.

Tila nagising si Selena sa katotohanan nang bumalik siya sa Maynila. Wari ay hanggang panaginip na nga lang niya maaangkin ang ikakasal na palang si Dexter….

Scent Of Love
Hannah Wabe

Nang mamatay ang ina ni Raphaelle, naiwan sa pangangalaga niya ang kambal na stepsiblings. Noon siya nakatanggap ng sulat mula sa ama ng kambal na matagal nang nag-alsa-balutan. Pinapupunta sila nito sa Bacolod para umano mapanagutan nito ang responsibilidad sa mga anak.

Dahil gipit, minabuti niyang sundin ito. Ngunit pagdating doon, nalaman nilang pumanaw na si Mr. Dela Vega. Iniwan nito ang kalahati ng mga ari-arian sa mga kapatid. Sa kasamaang-palad, hindi sila magkasundo ni Christian San Jose, the chosen executor of the estate. She had this very strange feeling about him; parang mandurugas ito. Pero wala siyang ebidensya at hirap siyang patunayan iyon because he was driving her to distraction.

He may not be the heaven-sent guardian angel Raphy had hoped for, but he sure smelled like heaven….

Love At First Sight
Edith Joaquin

Unang beses pa lang nagtama ang mga mata nina Cezarah Guanzon at Lionel Almirañez, alam na nilang para sila sa isa’t isa. Kumbaga sa panonood ng pelikula, the moment where the camera slows down to the tune of ‘Love Moves In Mysterious Ways’. Love at first sight, wika nga. At hindi pa roon nagtapos iyon. Sobrang ideal din sila para sa isa’t isa. Lahat ay sang-ayon sa kanilang relasyon—pamilya, lalo ang mga magulang, mga kaibigan.

It was perfect—well, almost.

Until nalaman niyang siya pala ang sanhi ng malagim na aksidenteng nagdulot ng pighati sa pamilya ni Lionel. He would hate her for sure once matuklasan nito ang tungkol doon.
Kaya bago pa iyon mangyari, si Ces na ang kusang lumayo….

CONGRATS EVERYONE!

Category: Books  Tags: , , ,
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.You can leave a response, or trackback from your own site.
3 Responses
  1. naks naman!!! kulang na lang, elise estrella at leira carlos, swak na swak na ang september release dahil full force ang multiply ladies! divah?

    sana next month ganun. :D

  2. Elise Estrella says:

    Hehehe oo nga eh! Natalisod lang kami ni Leira kaya nahuli ang release! Hahaha di bale. Dadating din yung panahon na lahat tayo may release sa isang buwan. Ang saya nun! LOL Congrats ulit ha! Nangangati na ako mag-NBS kaso baka sa weekend pa ako maka-alis eh.

  3. hannahW says:

    sana, gaya ng sabi ni JM. sabay-sabay. kaya lang, naku, ang mahal nun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

  • My Latest Release


    Sentinels (Book 9): Beautiful Soul


    You can also check out my bookshelf to see all my books.

  • Say What?

  • 2011 MS Count

  • Postcrossing

  • Find Freelance Work Online

    The On Demand Global Workforce - oDesk

    I'm an...
    best freelance writers

  • Daily Click

    The Literacy Site

    Pay Per Click

  • Amazon Book Deals

  • Nuffnang Ads

  • Archives

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

  • My Work is My Own

  • Theme Credit