I should have done this for the previous releases but, hey! I can start this month
Bookware posted their August releases which include books from the Multiply ladies. Yay! Congrats, girls! And congrats to all the other authors who have their books out this month!
A Wish Of Love
Aira Felicity
Nang malaman ni Angelika na pupunta na ng Amerika ang kanyang ultimate crush and potential true love na si Adrian, lakas-loob niyang tinungo ang bahay nito at nagtapat ng tunay niyang damdamin. It’s now or never ang drama niya.
Ganoon na lang ang hiya at inis ng dalaga nang malamang hindi si Adrian ang nakarinig ng confession niya kundi ang kapatid nitong si Arone.
Lalo pang kumulo ang dugo niya rito nang nakawan siya nito ng halik.
Subukan lang talaga nitong ipaalam kay Adrian ang tungkol sa confession niya at sasamain ito sa kanya. Di bale nang mapagkamalan siyang tomboy ni Arone, basta babangasin niya ang pagmumukha nito—at wala siyang pakialam kahit saksakan pa ng guwapo ang preskong iyon….
Made In Heaven
Louise Dane
He never wanted to play hero. Alam kasi ni Jad na kabaligtaran siya niyon. He was the bad guy who just decided to go on sabbatical leave for a while. Pero nang makita niya si Grace at ang lolo nito na tinutukan ng patalim ng hold-uppers, he came to their rescue.
Gustuhin man niyang ilayo ang sarili and get on with his lone-wolf ways, hindi niya magawa. Hindi man niya aminin, unti-unting ginigiba ng maglolo—lalo na ni Grace—ang mga pader na ipinalibot niya sa kanyang puso.
She was like an angel in disguise of a SPED teacher… and being with her gave him glimpses of heaven.
Pero sa madilim niyang nakaraan at di-malinaw na bukas, sa tingin ni Jad, he was not cut out for something like love. Kabaligtaran naman ang opinyon ni Grace. And it looked like she was making it her mission to teach Jad lessons in love and life….
The Reluctant Bride
Cassandra Victoria
Ang balak ni Althea, gagayahin niya ang foster parent niya: hindi siya mag-aasawa, sa halip ay mag-aampon para may kasama siya sa pagtanda. Wala sa plano niya ang paglagay sa tahimik dahil una, masyado siyang abala sa paghabol sa mga pangarap niya sa buhay para atupagin ang love life. At pangalawa, ayaw niyang matulad sa inang namatay na bigo sa pag-ibig.
So men never got her attention. Bago pa man makapagpahayag ng saloobin ang mga ito sa kanya, naunahan na niyang bastedin.
And definitely, walang pinagkaiba si BR Remoroza sa mga iyon. Yes, kahit pa nahuli sila ng lolo’t lola nito sa eskandalosong sitwasyon at nakatakda niya itong maging asawa….
I’m sure that they’re all awesome stories ^_^

Nothing Else Matters













Hayz! Kaya super loves kita elise! Muwahugs!
But opkors! Hahaha
Dear Elise,
Wow, your website is getting better! I like taking a peek here. I am interested in your novel-in-progress, “Among Men”. If it comes out, I’d buy it.
Keep smiling, keep improving!
Warmly,
Mika
Hahaha thanks Mika
I’m not sure if it’ll come out though kasi sa States yan. If my boss in the US is able to sell it why not?
Hey! Out na din pala yung book mo! People! Dagdag po ito:
Close To You
Mika Edelstann
Simula nang iligtas si Sunny sa isang lasing na may patalim, hindi pa siya personal na nakapagpasalamat kay Lev. Gayunpaman, hindi nawala sa puso niya ang gratitude para sa ginawa nito. He had been her knight in shining armor… hanggang sa ang gratitude ay naging unrequited love na.
Then, opportunity showed itself to Sunny. May naisip siyang ideya kung paano mapapalapit kay Lev. Wala na siyang pakialam kahit hindi ang
tunay na siya ang nakilala nito. Kahit hindi na nito suklian ang kanyang nararamdaman, basta araw-araw niya itong nakikita, okay lang.
O okay nga lang ba? Iyon ang kanyang akala….
Wala pa siya sa NBS though
Will buy when it comes. Sana next week meron na.
Hi Elise,
Sorry for late response. Kakalipat ko lang ng bahay. As in kalat-kalat stuff ko (lalo na libro at fashionista eklat). It was a sudden, almost unplanned move, although I made a wish months ago that I’d like to live in a house with a garden. Well, it came true!
Oo, last time that I dropped by NBS, wala pa “Close to You”. But thank you for taking note.
Atsaka, I do have one favor: After reading it, give it your meanest critique, ha? I need to work hard on my rusty writing skills.
Thank you, Elise!
Sincerely,
Mika
Wow! Congrats on the new house! ^_^ Kainggit!
Sige, I’ll read it, kaso I’m not very good with reviews ha! Feeling ko kasi wala naman akong K mag-critique! Hehe pero I’ll give you my honest opinion pag nabasa ko na yung book