Didn’t have Internet for the last week so I wasn’t able to post this before:
Nalungkot ako nung nalaman kong pumanaw na si Gng. Corazon C. Aquino kaninang alas-tres ng umaga. Hindi ko siya kilala ng personal pero pakiramdam ko nawalan ako ng lola. Siya kasi ang unang presidente na naka-mulatan ko, at siya ang unang presidente na naging interesado talaga ako habang nag-aaral pa ako dahil siya ang unang babaeng pangulo ng Pilipinas, at dugo, pawis at buhay ang naging puhunan ng pagbabagong dinala niya sa bansa.
Five years old ako nung nag-EDSA Revolution. Wala pa akong kamuwang-muwang noon at hindi ko alam kung ano ang nang-yayari pero naaalala ko na alam kong merong nang-yayari. Tensyonado ang mga magulang ko, at kadalasan ay naiiwan ako sa bahay kasama ng lola ko o ng maid. ‘Pag uwi ng mama at papa, ang sinasabi lang nila sa’kin, galing sila sa rally o galing sila sa EDSA. Hindi ko alam kung saan ang rally o ang EDSA pero alam ko importanteng lugar ang mga iyon. May ilang taon pa ang lumipas bago ko maintindihan kung ano ang rally at kung saan ang EDSA, at kung ano ang ipinag-lalaban ng mga dumalo doon. Demokrasya. At yun ang salita na una kong naiisip sa tuwing maririnig ang pangalan niya.
Hindi ko siya kilala ng personal pero umiyak ako nang malamang kong pumanaw na siya. At nang mag-sindi si mama ng kandila para kay “tita Cory” nag-alay na lang kami ng dasal para sa kanya at sa kanyang pamilya. At least ngayon, malaya na siya at masaya nang kasama si Ninoy.
“Looming from the battle,
her courage will never fade
Amidst the hardships she has remained,
undaunted and unafraid.
she is calm and composed,
she is God’s lovely maid.”
~ Ninoy Aquino
Salamat po, tita Cory.

Pres. Corazon C. Aquino
January 25, 1933 – August 1, 2009

Nothing Else Matters













a month after the people power revolution lang ako ipinanganak pero hindi yun naging sagabal para di ko siya hangaan. sbi ni erap, ‘she’s the most well-loved president” daw ng pilipinas. and i agree.
nalungkot nga din ako nang mawala siya. though ini-expect ko na talaga na di siya magtatagal. the way kris behaved this past few weeks, from news na sinasabing stage 4 na yung sakit niya.
hayy…
Nakapunta kami noon sa Luneta. Kwento ni Mama yun sa akin. I can barely remember it, but I do recall being carried by my dad, me wearing a yellow shirt and wanting one of those styrofoam yellow L.
Years later, saka ko lang naisip kung ano yung event na yun at bakit importante.
Maraming salamat, Tita Cory. RIP.
@ JM: Sanggol ka pa pala compared sa’kin JM haha ayan, pakiramdam ko matanda na naman ako hehe
I also agree, she’s the most well-loved president at siya yung pinakamagaling relatively considering housewife ng isang political prisoner lang siye imbes na totoong politiko. Hindi na din naman ako nagulat when she passed on pero nalungkot ako ng sobra. Wish ko lang naka-punta man lang ako ng La Salle kahit pa pumila ng pagkatagal-tagal. Ayun, sa TV na lang.
@ Kat: My mom said they took me with them once. Hindi ko alam kung product of my imagination o totoong nangyari pero I told her I remember seeing lots of housegates open and being able to walk into someone else’s yard and be given something to eat. Sandwich saka juice yung naaalala ko. Sabi niya dun nga daw nila ako sinama, sa may white plains daw yun. Lahat daw ng gate ng mga bahay bukas tapos kahit sino pwede kumuha ng makakain. If white plains yun, I guess we were at EDSA.
Hay, I wish I could remember it better. As it is, I’m only going to be able to tell my grandkids that I ate an egg sandwich during the EDSA Revolution, and I was in Baguio, missing classes to join rallies, during EDSA Dos :p