Nung kinuha ko yung check for Waiting to Fall, nabanggit ni Miss Apple na kung kaya daw ba ng powers ko na dagdagan ng isa pa ang mga mahal kong Ibarra. Gusto daw kasi niyang ilabas ng sabay sabay yung tatlo. Ang sabi ko nun baka hindi na kasi tatlo lang talaga sila. Inexplain din kasi ni Miss Apple na twelve ang nilalabas na books per month at kung may series man, apat na libro lagi yung nasa series sa isang release. Pumayag naman siya na tatlo na lang kasi nga baka matagalan ko ding isulat yung fourth, knowing me na medyo average of every six months ang pag-pasa ko ng libro.
So nang sumulpot itong si Benedict (sa pagitan ng isang series na hindi siya kasali), nagulat na lang ako at pinsan din pala siya ni Dom, Anton at Miguel. Oo nga’t hindi na connected sa Extra Challenge ni Lolo Crisostomo ang story niya, pero kamag-anak pa din siya. So inemail ko kagad si Miss Apple kung pwede pang humabol si Benedict. At pwedeng pwede naman daw since may naka-line up pa siyang ilalabas na series.
Last week, habang ka-text ko si Yumi na nag-eempake na pabalik sa States, medyo delayed reaction ang mga reply ko dahil tinatapos ko na nga si Benedict. Kakasabi lang ni Miss Apple na tanggap na nga daw si Anton kaya medyo na-inspire naman ako. Ito yung kwento na kinakatakutan kong baka medyo hindi siya swak sa panlasa ng Filipino readers (read here) pero keber kasi sobrang nag-enjoy ako sa pag-research at pag-sulat sa kanya. At gaya ni Benedict at Sab, let’s just say that I raised the stakes, too.
Sana matanggap din sila. Eto ang hindi pa final na stats kasi hindi ako makontento sa kanya tuwing binabasa ko siya. Parang nahawaan ako ni Yumi na naging OC sa editing eh hehe so sa Monday ko na siya ipapasa kapag napabalibaliktad ko na yung chapters at na-edit ko na ng malupit. Sana ma-tanggap din talaga sila.
Working Title: Raising the Stakes
Wordcount: 23,186
Chapters: 11 + Prologue
Pages: 87
Finished: May 22, 2009
Submitted: —
I’m still waiting to hear about Enchanted by You. Baka sa Monday ko na malaman kung tanggap siya o hindi kasi late na ako naka-reply kay Miss Apple kanina kaya malamang umuwi na siya. Wish me luck! Kinakabahan talaga ako.
—
Around the Web:
Share ko din pala itong napaka-gandang entry ni Yumi Sagara tungkol sa meeting namin sa Baguio. Ang ganda ng entry niya at na-touch na natawa ako. Pero nabulag lang po siya sa pag-describe sa’kin haha hindi po ako ganun ka-poised at demure. Balahura din po ako sa tunay na buhay. Basahin po ninyo: When Yumi Meets Elise.
Ito pa ang isa, Alet’s CTS (Carpal Tunnel Syndrome) Management entry na talaga namang makakatulong lalo na sa mga tulad nating writers na ang wrist ang puhunan. Informative siya. Stay healthy!
During the days that I didn’t have a PC or a laptop, I relied on notebooks (dozens and dozens of which I still have) and record books to keep my secret thoughts and feelings. I started writing in a little diary that my lola bought for me at the Uniwide Warehouse Club in Libis for P19.50. I was around eight years old. Unfortunately, I lost that diary because we’ve moved a couple of times, so someone who helped carry our bags and boxes have probably read my childish dreams of becoming an astronaut, a pilot, an empress, etc.

I’m currently writing a FANtastic story. Meaning, mahirap siyang FANiwalaan.







