You are here: Home > Just Saying > Happy Birthday, Website!

Happy Birthday, Website!

birthdaycakegourmetSite is still under construction. Please bear with me. It’s easier than I thought it would be, but it just takes time to move some of the content from the old blog to the new site. But it doesn’t matter because I’m having tremendous fun doing it. I still think it’s a bit messy though, so I’ll be tweaking and doing some more stuff until my OCD self is happy with it. I also found a lot of cool themes, but this one caught my eye because it looks and feels so much like my fave WP theme, ChaoticSoul hehe

My heart’s breaking a bit because I have to leave the other WordPress blog, and all the comments and wonderful messages from people. But as they always say, change is inevitable. I just have to harden my heart and I’ve already imported all of the entries and comments from the old blog. I do hope you enjoy your stay here as much as you enjoyed the other site. Also all posts after this are cross posts from my Eliseanfields @ WordPress blog.

Welcome to the Elisean Plains, everyone!

Tags:

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

90 Responses to “Happy Birthday, Website!”

  1. yumi sagara says:

    naku, sensitive pa naman ang mga mata ko. konting puwing lang, hinahalukay ko na talaga sila. pero oo, kailangan ko na yata. hirap akong tanawin mga road signs dito eh. hehe! tumaas nga grado from last 2007 na nagpa-check-up ako.

    nakow, kailangan talagang tanggalin na yan! ewan ko ba sa lintek na ngipin ko. gum surgery na yata ang kailangan. wah! balik ako doon pag-uwi ko galing sa atin.

  2. yumi sagara says:

    nakow!!! iniisip ko pa naman ang paglamon ko pagbalik sa atin. miss ko na mga ulam natin diyan!

    naku, bernice, bata ka pa naman. madali lang gawin yan para sa’yo. huwag mo na hintayin umabot sa edad ko, babagal ang metabolism mo.

  3. Elise says:

    @ Bernice: Waaaah! Ako din. Pero hindi din kasi ako nag-dinner. Nalimutan ko :p Ang Tang naman eh matamis! So bad din siya hahaha (naghahanap ng kakampi)

    Oy, di ka OL sa Google Talk? Mimiss na kita ah hehe nasan na yung next installment ko ng This Kiss?

  4. bernice says:

    waaaaaaaa, nakakatkot tuloy ako,

    list of bilbils:
    me bilbil ako sa..
    tiyan
    sa kili-kili
    sa likod
    sa batok
    sa baba
    madali lang kaya lusawin iyan? mukhang lipo na kelangan ko ha. haha

    ohh, nga pala naglose ako ng timbang, nagbbike na kasi ako every morning and twing paglubog ni pareng araw. naliligo ako sa nalusaw na taba after, haha. ang yikes naman ng term ko.. uhmff

  5. Elise says:

    @ Yumi: O, huwag ipaalis ang gums! LOL Pa-check mo kagad. Baka may kailangan pa pala gawin eh nag-aalburoto na ang ngipin mo. Baka maulog na lang bigla yun! Katakot!

    Sa simula, yung contacts, parang puwing siya pero hindi naman uncomfortable. Saka mas mapapansin mong malinaw ang mata mo kesa dun sa puwing haha sa labo ng mata ko, hindi ako pwede mag-drive. Mapapagkamalan kong road sign yung pulis! O kaya e kailangan ko ilabas yung ulo ko sa bintana para mabasa kung ano yung sinasabi nung sign :p

  6. Elise says:

    @ Bernice: hiyaaaaaaaks! Hahaha naliligo sa nalusaw na taba! hahahah

  7. bernice says:

    uyyy, natigil na nga pala ako sa tang,

    Nestea fit ang iniinom ko ngayun, namumuhunan ang mudra ko sa aking pagpayat,hahaha.

    ate, kayang-kaya natin magpapayat, para hindi na masikip sa picture, muntik na tayo hindi magkasya eh. haha kidding

  8. Elise says:

    Hahaha oo nga. Natutulak ng cheeks ko yung cheeks mo hahahaha

  9. bernice says:

    haha, naipit ung tyan ko, aruy, hindi ako humihinga nung kinunan ung pics, haha

    ate, mas malapad ata ako sa iyo. MAS MALAKI SAKOP KO,haha,

  10. yumi sagara says:

    sige, try ko ngang mag-contacts. hirap na rin kasi ako basahin kahit yung menu lang na nasa itaas ng mga counters ng fastfoods eh.

    hirap din akong matutong mag-drive. hehe! muntik ako bumangga sa isang house. noong ikuwento mo kay madir, natakot, pinatigil ako. kaya hayun, tumigil naman ako. pero kailangan talaga mag-drive dito, so, babalik uli doon.

    hahaha!!! kakatuwa kayong mga sisterlets! uy, ba’t gising pa kayo? tulog na uy!

    hawak-kamay tayong magpapayat! hehehe!

    yung biking, nami-miss ko na rin ‘yan. sa highway ako dati nagba-bike kasabay ng mga victory liners! hehehe!

  11. Elise says:

    @ Bernice: Mas malapit ka lang sa camera! LOL

  12. Elise says:

    @ Yumi: Diyos na mahabagin! Baka naman kung san ka mapadpad! Naimagine ko na lang nag nag-ba-bike ka at nahagip ng bus. Maya-maya nasa Olongapo ko na! hehehe Ay, maganda ang marunong mag-drive. Aral ka ulit. Sayang naman.

    Gising pa ‘ko kasi nagwowork ako eh. Ewan ko dyan kay bunso kung bakit nag-pupuyat. Mapapalo yan eh.

  13. bernice says:

    hihi 20/20- ang vision ko

    nahihirapan akong magbasa ng menu kapag ganito ang binabasa ko
    Mousse au chocolat,Crème Brûlée, Mille-feuilles,Cassoulet Choucroute garnie

    magexert pa ko ng bonggang-bonggang effort.uhmfff

  14. Elise says:

    Hahaha ayoko basahin yung hindi ko ma-pronounce. Hanggang McDo lang ako. At least kahit walang menu alam ko ang gusto kong orderin haha

    Hmmm, dapat pala dun ako mag-punta no? Sa hindi ko mabasa para wala akong orderin… ayun! Payat!

  15. yumi sagara says:

    hahaha! naalala ko noon, nagpa-panic mga kabarangay ko pag nakikita nila akong nagba-bike sa mismong highway! haha!

    sa driving naman, marunong na ako sa basic. nagda-drive na ako sa mga private roads dito. kukuha pa lang ako ng learning permit para makapag-drive sa mismong highway. pero minsan, sa katigasan ng ulo ko, nagmaneho pa rin ako sa highway! hehe!

    naku, pag di mo mai-pronounce ang menu, tiyak mahal yan! haha!

  16. bernice says:

    nice idea ate,, tara punta na tayo dun, libre mo ha. haha

    eto pala,

    isang maliit na HAMON. ibroadcast ang Vital Stats.

    mauna na ako

    Bernice
    36-40-45
    haha mukha akong christmas tree.
    sama na ang height,,, 5’3
    weight…teka magcconvert pa ko.

    uhmm 160 plus 23 cannot be, borrow one from 9 bring down 6, square root ng 81, plus negatice 677 x cube.. alam ko na ang sagot..

    calculator please???

  17. yumi sagara says:

    hahahaaaa!!!! nakakatuwa talaga ‘tong si bunsoy. pramis!

    vital stat ba kamo? patulan ang hamon!

    teka, wala ako mahanap na tape measure eh! (ops, umurong?)

    approximate na lang muna tayo:
    Yumi
    36-30-38
    hayan! most likely na yan ang stat ko now. wehehe!
    height 5’1, weight, barely 120 lbs.

    laglagan na ‘to! wahaha!
    ako naman, mukhang longganisa! :p

  18. Elise says:

    @ Yumi: Mas payat talaga yun! Kasi hindi na ako kakain dahil can’t afford haha poverty pa naman ako

    Jusko mag-iingat ka oy! Haha baka naman hindi ka makarating sa paroroonan niyan! Baka mahuli ka din ng pulis! haha pero mas maganda na yung malakas na ang loob mo. Di naman yata parang dito ang mga highway dyan. Dito kasabay mo eh nag-kakarerang bus! Parang jeep lang ang dala nila sa bilis ng takbo eh

  19. bernice says:

    ate Elise, hehe pansinin mo ung hamon. haha inililigaw usapan, wahaha

  20. Elise says:

    Naku! May hamon? Christmas hamon ba yan?…

    LOL Teka hindi ko alam eh. Pagdating sa katawan ko, ayoko ng numbers. Teka… hanap ako ng tape measure… *hanap* wala eh.. meron yung pang-karpintero. Pwede na siguro ito… hehe

    Naku di ko talaga alam. 38-30-… something – 36 siguro. Hahaha ano ba! Ayan, maghahanap na talaga ako ng tape measure. Sandali nga…

  21. Elise says:

    Hahaha pinansin ko naman… kaso hindi ako maka-hanap ng tape measure hahaha

  22. yumi sagara says:

    oo nga. natakot noon si hubby nu’ng bagong salta sa pinas. :p

    ang nakakainis dito, may speed limit. ang hirap gawin. kasi kahit gusto kong bumagal, di puwede. kailangan maintain ang speed. kakainis pa mga ibang drivers dito. walang modo.

    oo nga, elise… ang hamon ni bunsoy! ;)

  23. Elise says:

    Ayan na! LOL sinagot ko na! hahah napaisip lang ako kung ano ang vital stats ko kayo naman

  24. bernice says:

    ate yumi

    buti ka pa maganda ung hubog,,coke ung sayo, ung akin, bottled water. puro bilbil.

  25. Elise says:

    Natawa ako sa weight mo, bunsoy! pang-algebra! hahaha

  26. bernice says:

    ate Elise,,

    lapit ung katawan ninyo ni ate yumi..

    medyo malapad pero me hubog…alam ko na perfect na example

    GITARA..yebaaaaaaaaaaaaaa

  27. bernice says:

    haha ate Elise,

    ate, nageffort ako na magcompute ha.. buti wala pang tangent at cosine iyan..

  28. Elise says:

    Masyadong maliit ang gitara sakin… pang-cello ang hubog ng katawan ko eh. Ganun din kalaki

  29. yumi sagara says:

    :p kakatawa talaga kayo!

    huwag na isali ang math sa usapan, mahina ako diyan. hehe!

    oo nga, elise, magkadikit stat natin. :p parang sina B1 at B2!!! wehehehe!

  30. bernice says:

    nakakarelate ako dyan

    kaya ako nag mass com para walang math

    haha.

    ahe
    ang kafigure ko eh di doding daga..

  31. Elise says:

    Mathcom ang course ko haha naku, Math1 na nga lang muntik ko pa ibagsak eh.

    Hindi ko sigurado yang vital stats ko! Baka nga 30-36-38 pa yan eh. Sabi nga, I have the body of a goddess… kung babae si Buddha.

  32. bernice says:

    hahahaha.. ang sakit na ng tyan ko.

    ate Elise, bakit si buddha??hahaha

  33. yumi sagara says:

    LOLZ! napatawa ako doon, pramis! mwahahaha!!!

    ako naman, malapit nang maging sumo-wrestler! :p

  34. bernice says:

    <<tulog na at nagihilik pa.

    <<ang panaginip??

    <<ung kasudlong ng story ni Denise. sulat na lang bukas hahaha

    nyt evryone..

    ate, me dinagdag ako sa je suis, kung gusto mo ihitin sa katatawa, visit lang hahaha

    nyt ate koy, uhmm mwahhhh

    tsupp.
    tcic

    labs yah

  35. yumi sagara says:

    night bunsoy! don’t bite the bedbugs este don’t let the bedbugs bite pala. hekhek!

  36. Elise says:

    Hwekhekhek totoo naman eh. Ayan o, pwede niyo na kamutin ang tyan ko para swertehin sa buhay haha

    Sobra naman, Yumi! Ang sexy namang sumo wrestler niyan! Hahaha

    Tulog na bunso! Meme ka na namin ni ate Yumi hehe

  37. bernice says:

    Magandang-maganda maganda pa tayo sa umaga………
    hikab hikab,,,takip bibig. hihi
    nagbrush na ko ng teeth, see???ngiiiii haha dami space

    nways,,kamusta lahat, salamat sa pagmeme sa akin, hihihi.

    ate, para akong sira hano?? nakow,,,kakatulog lang sigurado ni ate at kasalukuyang naghihilik ngayun, hihi

  38. yumi says:

    gising na si bunsoy! ahaha!

  39. HannahW says:

    Naku…nakakabaliw kayong tatlo–yumi, bernice and elise. from weight, height, root canal, grado ng salamin, holdapan sa quiapo etc, hindi niyo na pinatawad. nakakaaliw basahin ang posts. i can barely keep up. and it’s comforting to know na hindi lang ako ang 4-eyes. grabe rin kakapal ang salamin ko. and i’ve grown allergic to contact lenses na, kaya hindi na pwede. gusto ko na sana magpa-lasik, pero natatakot naman ako. although, sabi ng bro at late-mother ko, na parehong nagpaganoon sa american eye, painless daw. yung dad ko, nagagalit na sa akin, kasi ang duwag ko daw. pero naman, isang pares lang ang mata. kapag nagkamali sila, bulag na ako. and usually, malas ako pagdating sa mga medical procedures so i don’t want to tempt fate (kwento ko, pagnagkita-kita tayo). and i’ve grown accustomed to wearing glasses. feeling ko, pagnawala ito, parang nawalan ako ng isang daliri. hahaha. guys…gusto ko na kayo ma-meet. mwahugs.

  40. Elise says:

    Ay gusto ko din nun! Pero sa sobrang labo ng mata ko, hindi na talaga maeeliminate yung grado. Bababa lang daw siya. I guess okay na din kesa naman sa legally blind ako di ba? Saka kailangan yata dun na dapat hindi mo igagalaw ang eyeballs mo ng thirty seconds ba para ma-focus yung laser (at hindi ibang parte ng mata mo ang tamaan) or something. Katakot eh.

    Ganun naman daw talaga kapag masarap ang usapan! Kung san san napupunta haha

Leave a Reply

CommentLuv Enabled